Umabot halos dalawang milyon na ang views nang i-upload ni Vice Ganda sa kanyang youtube channel ang isang video kahapon, Marso 17, kung saan napaiyak niya ang “It's Showtime” hosts at ang dalawa pang staff ng programa sa isang makatotohanang prank.
Sa unang bahagi ng video ipinaliwanag ni Vice Ganda ang isinagawang prank nito. Hawak-hawak ang ibat-ibang kulay na mga lobo, bouquet ng bulaklak at cake pinuntahan ni Vice Ganda isa-isa ang mga co-host nito upang kunwari ay ibigay ang mga bitbit nito bilang pasasalamat sa kanila na sinabayan pa ito ng tila ba ay nakakakumbinsing mensahe na kahit sino man siguro ang makakarinig ng kanyang mensahe ay talagang mapapaniwala nito.
Pagkatapos ay bigla-bigla niyang sasabihin sa magiging biktima ng kanyang prank na magpapasama lamang siyang ibigay ang mga hawak na regalo nito sa ibang co-host na siyang magiging susunod na biktima.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga nabiktima ni Vice Ganda at ng mga netizen nang mapanood ang video, iyak at tuwa.
Unang naging biktima ay si Tiyang Amy na hindi napigilang maging emosyonal sa inaakalang pasasalamat ni Vice Ganda. Ipinatong nito ang cake sa lamesa at pinahawak sa kanya ang bouquet ng bulaklak at nagsimulang magbigay ng nakakaiyak na mensahe. Tuluyang naiyak si Tyang Amy ngunit natuwa din naman ito nang biglaang sinabi ni Vice Ganda na magpapasama lamang siyang ibigay ang mga regalo sa bagong host ng programa na si Kim Chiu.
Muntik nang mabuko ni Kim Chiu na isang prank at katuwaan lamang ang kunwari ay sorpresa ni Vice Ganda ngunit katulad ni Tyang Amy ay napaniwala ito ng host at napaiyak. Kabilang sina Teddy Corpuz, Vhong Navarro, Jackie Gonzaga, Ryan Bang at ang dalawa pang staff nito ang hindi napigilang maluha.
Natuwa at nagtaka naman sina Vice Ganda, Kim Chiu at Tyang Amy nang mapansin na subalit napaniwala nito ang ikatlong biktima na si Karylle Yuzon ay hindi ito naluha. Pabirong tanong naman ni Karylle, “Ay! Kailangan bang maluha?”
Laman-laman ng naging mensahe ni Vice Ganda ay ang kanyang pasasalamat sa mga nabiktimang kasamahan nito sa mahigpit na pagkakaibigang mayroon sila sa isa’t isa na sa kabila ng hirap na dinanas nila noong nakaraang taon ay nanatili at naging mas matatag ang kanilang pagsasamahan.
Dagdag pa ni Vice Ganda na hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magpasalamat sa isa’t isa simula nang naging abala sila sa trabaho at sa kanya-kanyang buhay sa gitna ng pandemya kaya naisip niya ang prank na kinaaliwan ng marami.
Gayunpaman binigyang linaw naman ni Vice Ganda na lahat ng kanyang sinabi sa naging mensahe nito na siyang nagpaiyak ng kanyang kasamahan ay walang halong biro at makatotohanan.
Pagkatapos ng naging prank ni Vice Ganda binigyan niya ng cake ang kanyang mga naging biktima ngunit sa pagkakataong ito ay sinadya na nyang ibigay ito. Makikita naman sa video na tila ay nagdadalawang isip tanggapin ng mga biktima ang cake sa pag-iisip na baka isang prank na naman ito.
Pabirong sabi naman ni Vice Ganda sa dulo ng video ay hanggat hindi sinasabing para sa iyo ang mga regalo ay huwag na huwag tanggapin.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment