Isang facebook user na si Em-em Fernandez ang nag-post ng mga screenshot ng Instagram stories ng nagngangalang Kathyrine Roman, isang babaeng biktima ng cheating na ginawa ng kanyang fiancé. Mahigit 28, 000 na ang nag react ng facebook post na ito at 68, 000 naman ang bumahagi mula nang ito ay i-post kahapon, Marso 19.
Laman-laman ng IG stories ni Kathyrine Roman ay ang mga larawan ng kanyang fiancé na si Yves Esteban at babaeng itinago at ipinalit sa kanya na nagpapatunay sa pandarayang ginawa ng dating fiancé. Kasama na dito ang mga screenshot ng usapan ni Kathyrine Roman sa sinasabing ibang babae sa messenger at instagram. Kabilang sa mga larawan ay ang litrato ni Kathyrine kasama si Yves na nag-propose noong Marso 10, 2019 sa Arashiyama Bamboo Forest ng Kyoto, Japan.
Hindi kinaya ni Kathyrine Roman ang sakit at ng kanyang pagkadismaya kaya ay ibinahagi niya ito sa social media. Paglalabas loob ni Kathyrine na hindi niya ugali ang maglabas ng sama ng loob sa kahit na anong problema ngunit sa sobrang dismaya nya na may mga taong gagawa ng pangangahas na ginawa laban sa kanya ay hindi niya ito pinalampas.
Tuluyang natanong ni Kathyrine sa kanyang sarili kung paano sila nakakatulog sa gabi ng maayos habang may ibang tao ang nasasaktan.
Ayon kay Kathyrine, apat na taon na sila ng dating fiancé at sa katunayan ay hindi lang ito ang unang pagkakataon na nag-cheat ito sa kanya kundi maraming beses bago pa man ito ay nag-propose. Sa dahilan na naniniwala siyang posibleng magbago ang nobyo nito ay naging martir siya at piniling manatili sa kanilang relasyon. Ngunit sa pagkakataong ito sapat na daw ang pagiging martir ni Kathyrine dahil sa kabila ng pagbigay nito ng pagkakataon na magbago ang nobyo ay ginawa pa din nito ang ilang ulit na pagkakamali noon.
Ikinuwento ni Kathyrine kung paano niya napag-alaman ang tinatagong relasyon ng dating nobyo sa babaeng nagngangalang Sarah. Sabi ni Kathyrine na matagal nang nakakasama ni Yves si Sarah sa mga inuman, mapa-kahit nasa ibang bansa pa si Kathyrine. Hindi ito naging problema kay Kathyrine dahil sabi sa kanya ni Yves na ka-tropa lamang itong si Sarah at nililigawan ng isa sa kanyang mga kaibigan.
Noong Marso 7, nagsimulang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni Kathyrine at Yves. Linggo ng tanghali noong Marso 14 naman ay nakipag-cool off si Yves sa kanya sa tanging dahilan na nais sana nitong huminga at humingi na muna ng space. Ngunit sa gabing iyon ay napansin ni Kathyrine sa IG story ni Sarah na tila ba ay pamilyar sa kanya ang sasakyan na nakita nito sa selfie ni Sarah. Kaya inihambing niya ang kanilang dalawang litrato sa loob ng tinutukoy sasakyan. Ngunit inisip ni Kathyrine na maaaring nagkataon lang na magkapareho kung tingnan ang sasakyan.
Humingi si Kathyrine ng iba pang litrato ni Sarah sa loob ng sasakyan ngunit hindi ito mabigyan ni Sarah at naging rason niya ay lasing pa daw ito. Iginiit naman ni Sarah na nakasama niya si Yves na kung tawagin niya ay ‘kuya’ Yves. Paulit-ulit niyang sinasabi na tropa lamang nito si Yves.
Tinanong pa ni Kathyrine kung ang sasakyan na nasa litrato ni Sarah ay Honda Jazz ngunit Honda City ang naging sagot ni Sarah.
Pagbibigay linaw ni Kathyrine na kahit nanliligaw man si Yves sa kanya ay hindi siya manggugulo sa kung ano ang meron sila dahil wala na naman daw sila. Ngunit sa kanilang pag-uusap tila ay umiiwas si Sarah.
“Sarah sorry nag msg ako ulit. Gusto ko sana iask mo helop mo kahit malamang ko lang name ng may-ari ng koche sa selfie mo. Kasi dun nakasalalay yung 4 yrs na relationship na iniingatan ko ng sobra… sana naiintindihan mo ako bilang ate mo ang I hope matulungan mo ako ma clear yung mind ko”, muling chat ni Kathyrine.
“Sana ate Kath last na natin pag uusapan yung issue na to dahil wala naman talagang issue, kung meron man it’s between you ang kuya Yves po”, ito ang huling linya ng naging sagot ni Sarah sa chat ni Kathyrine.
Sinubukan ni Sarah na kausapin si Yves ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan rin daw niya na ayusin ang gusot na kanilang relasyon ngunit ayaw na talaga nito. Kinaumagahan tinawagan si Kathyrine ng kanyang kapatid at nagsumbong sa nakita nito na magkasama sina Yves at Sarah at nakatinginan pa sila.
Sa balitang natanggap ni Kathyrine hindi na banayad kung makipag-usap ito kay Sarah sa chat. Inamin ni Sarah na nakasama niya si Yves ngunit dahilan nito ay nais lamang magpasama ni Yves mag-change oil.
Kalaunan ay sinabi ni Yves na nagkaroon siya ng anxiety at si Sarah lamang ang nandun para makinig sa kanya.
Hindi man naging madali para kay Kathyrine ang ginawa sa kanya, sa huli ay nagpasalamat ito sa mga taong nagmahal at sumoporta sa kanya. Turo ni Kathyrine sa kapwa niya babae na mahalin ang kanilang sarili at matutong sumoporta sa ibang mga babae na biktima din ng cheating. Panindigan ni Kathyrine ni hindi siya ang nawalan kundi ang kanyang dating fiancé.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment