Monday, March 8, 2021

Butiki, Nadaganan ng Mukha ng Isang Batang Nakatulog Habang Nag-aaral


Viral at kinaaliwan ngayon ng marami ang Twitter post na ito ng isang netizen tungkol sa isang batang galit na galit matapos na magmarka sa mukha nito ang isang butiki na nadaganan niya habang natutulog.

Hindi napigilan ng maraming mga netizen na matawa sa nangyaring ito at sa naging reaksyon ng bata nang malaman ang animo’y nakatatak na hugis ng butiki sa kanyang pisngi.

Sa mga larawang ibinahagi ng netizen na si Jackson Lu sa twitter, makikita ang animo’y galit na larawan ng bata at ang butiking hindi na nakagalaw matapos nitong madaganan habang nag-aaral.

Maliban sa nakakaaliw na komento ng mga netizen tungkol sa nakakatawang nangyari na ito sa bata, hindi rin nila mapigilang magbahagi ng mga ito ng mga nakakatawang komento para sa umano’y kawawang butiki.

Base kasi sa mga larawang ibinahagi sa twitter post, nasa libro ang butiki na animo’y aksidenteng dumaan lamang sa libro kung saan nag-aaral ang bata at nadaganan nito nang hindi na nito nakayanan ang antok.

Ayon sa mga netizen, kawawa umano ang butiki na dumaan lang naman sana ngunit, nadaganan at ngayon ay hindi na makagalaw. Wala namang ibang impormasyon na ibinahagi ang twitter post kung ano na ang nangyari sa naturang butiki.


Samantala, hindi naman umano masisi ng mga netizen kung makatulog ang bata habang nag-aaral dahil kahit sinuman umano aabotin ng antok kapag humarap na sa libro upang mag-aral. Ngunit, hindi pa rin mapigilan ng mga ito ang matawa sa mukha ng bata na mayroong nakatatak na butiki.

Ayon naman sa ilang mga netizen, kung sa kanila umano ito nangyari ay siguradong hihimatayin daw sila kapag isang butiki ang bubungad sa kanila pagkagising dahil sa takot nila dito. Mabuti na lamang talaga umano at hindi matatakutin ang bata.

Kaya hindi rin umano nila masisi kung gaanon man ang iyak at galit ng bata pagkagising nito dahil hindi naman talaga magandang tingnan at nakakatawa pa nga ang hugis ng butiki sa kanyang mukha.

Sa ngayon, dahil karamihan sa mga bata ay nag-aaral lamang sa kanilang mga bahay dahil sa pandemya, hindi na bago ang mga pangyayari kung saan nakakatulog ang mga ito dahil ayaw o nakakapagod para sa kanila ang pag-aaral.

Ilang mga viral na kwento na ng mga batang umiiyak at ayaw sumagot sa kanilang mga module ang kinaaliwan ng mga netizen dahil marami rin sa mga ito ang nakaka-relate. Gayunpaman, ayaw man ng mga batang ito ay wala silang magagawa dahil kailangan ito sa kanilang pag-aaral.

Kaya naman, kanya-kanyang diskarte na lamang ang mga magulang kung paano mapapasagot sa kanilang mga batang anak ang kanilang mga dapat na pag-aralan. Hangga’t maaari, bago pa man magkapasahan ng mga ito sa paaralan at sa mga guro ay tinatapos na nila ang mga dapat sagutan.


Bagama’t mayroong ibang mga bata na masipag sa pag-aaral at nakikinig sa mga magulang, mayroon pa ring ilang mga bata na panay ang iyak at mga palusot sa tuwing mag-aaral na dahil mas gusto ng mga ito na maglaro kaysa magsulat at sumagot sa kanilang mga module.

Source: rachfeed

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment