Sa loob ng mahigit sa dalawang dekada ay pinagsilbihan ng Pinay nurse na OFW na si Gicela Oloroso ang kanyang mayamang amo na si Huguette Clark sa Estados Unidos. Sa loob ng mahigit sa dalawampung taon ay ibinuhos nito ang kanyang katapatan at dedikasyon sa pag-aalaga sa kanyang mabuting amo.
Kaya naman, nang pumanaw si Clark ay isa si Oloroso sa mga pinagkakatiwalaan nitong mga tao na iniwan niya ng kanyang pera at mga ari-arian. Pinamanahan lang naman nito si Oloroso ng perang nasa mahigit $60 milyon o katumbas na halagang mahigit sa Php2 bilyon.
Ayon sa ulat, si Oloroso ay isang nurse na nagmula sa Capiz sa Pilipinas. Samantala, si Clark naman ay isang mayamang banyaga na nagmamay-ari ng napakaraming yaman na iniwan din sa kanya ng ama nitong isang American senator. May-ari rin si Clark ng isang malawak na minahan.
Ngunit, sa kabila ng yaman ni Clark, hindi rin matatawaran ang kanyang kabutihang loob sa pagtulong sa mga mahihirap. Kilala ito dahil sa kanyang mga gawain na pagbabahagi ng tulong. Nasa 82 taong gulang na noon si Clark nang magsilbi nitong nurse si Oloroso.
Sa loob ng mga taong nagtrabaho si Oloroso kay Clark, nagsilang ito ng dalawang anak ngunit, hindi ito naging hadlang upang mabigyan niya ng atensyon ang pag-aalaga sa amo. Ibinuhos nito ang lahat ng pag-aalaga para rito dahil na rin sa ipinamalas nitong kabutihan sa kanya.
Kaya naman, bilang ganti sa dedikasyon at pagmamahal sa kanya ng nurse, kusang-loob na pinaaral ni Clark ang tatlong mga anak ni Oloroso. Maliban dito ay tinutulungan niya rin ang nurse sa tuwing mayroon itong problema sa pera. Ito ang naging paraan ni Clark upang pasalamatan ang nurse sa pagsisilbi nito sa kanya.
Sa katunayan, ang kwentong ito ng kabutihan ni Clark sa kanyang Pinay na nurse ay nabanggit sa librong isinulat para rito nina Bill Dedman at Paul Newell Jr. na ‘Empty Mansion’.
“She paid for the twenty years of schooling for the three Peri children… for their medical bills, piano lessions, violin lessons, and Hebrew lessons, their basketball and summer camps in upstate New York. When Peris had some trouble with back taxes, she paid for thee as well,” ang saad pa nga tungkol kay Oloroso.
Wala nang pamilya o mga malapit na mga kamag-anak noon si Clark kaya si Oloroso na ang itinuring nitong pamilya. Kahit umano sa mga araw ng pahinga ni Oloroso ay hindi pa rin ito tumigil na alagaan ang kanyang amo.
Kaya naman, nang tuluyan nang pumanaw si Clark sa edad na 104 noong taong 2011, hinati nito ang kanyang mga kayamanan at iniwan sa kanyang mga mahal na taapag-alaga o tagapag-silbi na binigay ang lahat para sa pag-aalaga sa kanya. Kabilang na sa mga ito si Oloroso na iniwan ni Clark ng $60 million na halaga ng pera.
Taong 1972 nang unang ma-assign si Oloroso bilang private nurse noon ni Clark at 22 taong gulang pa lamang siya noon. Hindi kailanman inasahan ng Pinay na ganito ang kanyang magiging kapalaran sa kanyang butihing amo.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment