Sunday, March 7, 2021

Hiwalayan Nina Derek Ramsay at Andrea Torres, ‘Mutual Decision’ Umano; Derek, Aminadong Walang Nangyaring Closure


Kamakailan lang ay naging panauhin ang aktor na si Derek Ramsay sa vlog ni Pops Fernandez kung saan, maraming mga bagay na naibahagi ang aktor sa publiko.

Kabilang na rito ang ilan sa mga detalye ng nangyaring hiwalayan nito kay Andrea Torres noong nakaraang taon. Kung matatandaan, ikinagulat ng marami ang biglaang paghihiwalay ng dalawa na hindi inasahan ng sinuman.

Naging kontrobersiyal ito dahil sa iba’t-ibang mga spekulasyon na inilabas ng publiko tungkol sa maaaring sanhi ng hiwalayan ng dalawa. Hindi rin maikakaila na karamihan sa mga ito ay sinisisi ang aktor sa hiwalayan.

Sa kanilang pag-uusap ni Pops, ibinunyag ni Derek na hindi raw sila nagkaroon ng closure ni Andrea. Masyadong mabilis umano ang naging pangyayari ng kanilang hiwalayan na maging sila rin ay hindi ito inasahan.

Gayunpaman, sa tingin ni Derek ay wala naman umanong galit sa kanya ang ex-girlfriend at wala rin naman umano siyang dinaramdam patungkol dito. Pagkukuwento pa ng aktor,

“I don’t think she hates me and definitely I don’t hate her and her family. 

“We were together for over a year and it was very sudden — the breakup happened, it came out of nowhere. “Kind of blindsided me and closure, I think, that will come with time. Definitely, no hate, no regrets.”


Naibahagi din ng aktor ang naging dahilan umano ng kanilang hiwalayan na hindi kailanman nito nabanggit o ni Andrea. Kung matatandaan, maliban sa pagkumpirma ng hiwalayan nila ng aktor ay hindi na muling nagbigay pa ng pahayag si Andrea tungkol sa nangyari.

Ayon kay Derek, ito umano ay dahil sa isang maliit na away na kalaunan ay lumaki sa isang hindi pagkakaintindihan. Parehong desisyon din umano nilang dalawa ni Andrea na maghiwalay.

“And I guess we both realized that it was something that both of us could not make certain adjustments to… We decided, instead of forcing it, let’s just go separately,” kwento pa ni Derek.

Samantala, madali raw na nakamove-on mula sa hiwalayan si Derek dahil sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Pagbabahagi pa nito, dalawang taon pa raw sana ang hihintayin ni Derek bago muling pumasok sa isang relasyon.

Tungkol naman kay Andrea, nakikita niya naman umano na masaya ngayon ang aktres. Masaya rin umano siya sa kalagayan niya ngayon kaya nagpapakita lamang umano ito na wala silang galit sa isa’t-isa.

“There’s no hate towards each other. You can see, she’s back at work. She looks great. She’s been working out. It shows that we both don’t have, like, any animosity towards each other… 

“I guess because if you do, it will really reflect on the way you act, the way you talk, the way you move, and you can see that she’s happy and I’m very happy,” ani pa ulit ni Derek.


Kamakailan lang, naging laman ulit ng mga balita si Derek dahil sa pagkumpirma nito sa bagong relasyon nila ng aktres na si Ellen Adarna. Ito ay matapos ang ilang linggo na ring spekulasyon ng publiko tungkol sa kanilang pagkakamabutihan.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment