Saturday, March 13, 2021

Efren ‘Bata’ Reyes, Inaresto Umano Matapos Maglaro na Labag sa Quarantine Protocol


Isang video ngayon ang kumakalat sa social media kung saan, kabilang ang  kilala at legendary pool player na si Efren ‘Bata’ Reyes sa mga nakunan na umano’y hinuli ng mga pulis at taga-barangay matapos na lumabag sa quarantine protocol.

Ayon sa ulat, nilabag umano ni Reyes ang quarantine protocol matapos na maglaro ng bilyard na bawal ngayon at wala ring permit. Nangyari umano ito sa isang ‘renting public billiard pool’ sa San Pedro, Laguna ngunit, hindi pa ito kumpirmado.

Kabilang umano si Reyes sa mga hinuli at dinala sa barangay dahil nga sa kanilang naging paglabag. Sa video naman na kuha ng insidente, makikita na nakaupo lamang sa tabi ang tanyag na manlalaro at hindi pumapalag sa mga opisyal ng barangay at pulis na naroroon.

Kalat na ngayon ang naturang video sa social media kung saan, makikita rin ang ginawang pagkumpiska ng mga ginamit na mga kagamitan sa laro. Maririnig din dito ang mga opisyal at pulis na pinapagalitan ang mga lumabag sa quarantine protocol. Inihayag din ng mga ito na walang permit ang ginawang laro nina Reyes.

“Ganyan pa ang gusto niyong mangyari. Hindi kayo nakikinig sa barangay [officials],” ang maririnig pa ngang saad ng isa sa mga awtoridad.


Samantala, sa kabila ng lahat ng ito ay nakaupo lamang sa tabi si Reyes at walang kibo. Nang dalhin na sa barangay ang mga lumabag at nahuli para pagpaliwanagin, matiwasay lang din na sumama sa mga ito si Reyes.

Dahil sa pandemya, ipinagbabawal ngayon ang pagdadaos ng mga laro gaya ng billiard dahil nagkakaroon dito ng close contact. Sa ilan pang mga video ng pangyayari, makikita umano si Reyes na wala ring suot na face mask at maraming tao pa ang nanonood sa paligid nito.

Maliban sa mga paglabag na ito, dahil sa kanyang edad na 66 ay isa rin si Reyes sa mga hindi pa pwedeng lumabas sa kanilang mga bahay. 

Ayon naman sa ilan pang mga pahayag, hindi naman umano hinuli sina Reyes ngunit inimbitahan umano ang mga ito sa barangay dahil nga sa kanilang mga paglabag. Gayunpaman, nakauwi na rin umano ang mga ito matapos ang pagsita at pagpapaliwanag sa kanila ng mga opisyales.

Sa kabilang banda, bagama’t aminado ang marami sa ginawang paglabag ni Reyes sa quarantine protocol, ang mahalaga umano ay maayos na sumama ang tanyag na manlalaro sa mga opisyales at alam nito ang kanyang ginawang paglabag. 

Dahil nga sa mga paglabag nito, ang mahalaga umano ay tanggap din ni Reyes ang mga maaaring parusa na gawin dito basta’t nasa maayos lamang na paraan. Bagama’t nalungkot ang mga ito dahil sa kinasangkutan ni Reyes, sana umano ay huwag itong husgahan ng masama dahil lamang dito. 


Hindi pa rin naman umano nawawala ang kanilang pagsaludo kay Reyes na nag-uwi ng maraming karangalan sa bansa at nagdala sa pangalan ng Pilipinas sa mga pandaigdigang kompetisyon. Isa pa rin ito  sa maituturing na pinakamagaling sa kanyang larangan hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Panoorin ang buong video dito! 


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment