Viral at umaani ngayon ng pambabatikos ang pari na ito sa isang viral na video kung saan, makikitang halos balian daw nito ng leeg ang batang binibinyagan nito.
Sa video na ibinahagi ng netizen na si May Flor Concon Decano, makikita kung gaano umano ipinahiya ng paring ito ang mga magulang ng isang bata bibinyagan. Dito, makikita na hindi nagustuhan ng pari ang ginawang paghawak ng nanay sa batang kanyang binibinyagan.
Noong una, sinita nito ang nanay at tatay ng bata dahil sa pagkakapwesto ng ulo ng bata. Ilang beses nitong sinita ang dalawa at hindi nito maibuhos ang tubig sa ulo ng bata.
Hanggang sa makikitang bigla nitong hinawakan ang ulo ng bata at ipinwesto ito ng maayos. Hindi pa ito nakuntento at pumunta pa sa pwesto ng magulang para imuwestra sa mga ito ang tamang pagkakapwesto raw dapat ng ulo ng bata o ang tamang paghawak dito.
Saad pa nga rito ng pari, animo'y nagagalit na ito dahil simple lang naman daw dapat ang gagawin ngunit hindi magawa ng mga magulang. Sa bandang huli ng video ay hindi pa rin nito tuluyang nabinyagan ang bata at sinabing ang susunod na muna.
Ayon sa netizen na nagbahagi ng video, kinwestyon nito ang ginawa ng pari na halos balian na umano ng leeg ang bata. Dagdag ani pa ni Decano, base sa inasta ng pari ay mukhang labag pa umano sa kalooban nito ang pagbibinyag ng bata.
“Sakto ba ning pari nga magbunyag kulang na lang balian?! Wala pa labot kasaba. Ka harsh ba gud nimu Father. Karon ra ko. Dapat celebration sa pagka-christian sa bata, dili kay aniun niya…
“Unsa iya giexpect, 1st time parents ang ginikanan. Maypag ingun na lang ka father ug gusto ka mubunyag or dili, kay murag sakit man sa imu dughan magbunyag ug bata hinuon,” saad pa ulit ni Decano.
[Tama ba 'tong pari na ito na kung magbinyag ay kulang nalang balian (ng leeg ang bata)?! Wala pa doon ang paninita nito. Ang harsh mo pala, father. Ngayon lang ako. Dapat celebration ito ng pagiging Christian ng bata, hindi 'yung ganoon… Ano bang ini-expect niya, first-time parents ang mga magulang. Sana sinabi mo nalang father kung gusto o ayaw mong binyagan 'yung bata, kasi parang lumalabas na labag sa kalooban mo ang pagbinyag.]
Sa ngayon, umani na ng libu-libong views ang naturang video. Kabi-kabila na rin ang pambabatikos ng mga netizen sa pari na makikita rito. Karamihan sa mga ito ang naawa para sa bata at sa mga magulang na ipinahiya ng pari.
Ayon sa mga netizen, parang hindi umano ito pari kung kumilos at makapagsalita. Dagdag ani naman ng ilan, ang mga pari umanong katulad nito ang dahilan kung bakit nababahiran ng negatibo ang imahe ng mga pari. Bagama't nangingibabaw ang pagkondena ng mga netizen sa ginawa ng paring ito, mayroon ding iilan na nagsasabing huwag umanong isipin ng mga ito na ganito ang lahat ng pari dahil mas marami pa rin naman umano ang mga mas mabubuti.
Samantala, panoorin sa baba ang viral video na ito at kayo na ang bahalang humusga:
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment