Nagkaroon ng debate online nang lumabas sa isang anunsyo noong nakaraang linggo ang balita tungkol sa 28-anyos na isa sa mga kilalang female volleyball players ng bansang Indonesia na si Aprilia Manganang. Ang tinutukoy na anunsyo ay may kinalaman sa kanyang pagiging ganap na lalaki at ang legal na pagtanggap nito sa kanyang bagon kasarian.
Matatandaan na ang kinabibilangan nitong volleyball team ang siyang tumalo at nagpagapang sa Philippine Women’s Volleyball Team noong 2018 Asian Games.
Gumawa ng ingay sa mga balita ngayon si Aprilia nang ipinalabas sa iilang media outlets ang pagkumpirma nito bilang isang ganap na lalaki.
Nagsimulang magkaroon ng kontrobersiya sa tunay na kasarian ni Aprilia noong 2015 SEA Games nang sinubukang umapela ng Pilipinas na ipasailalim sa gender test ang former Indonesian volleyball star dahil sa napakalalaking hitsura at dating nito. Ngunit hindi naging matagumpay ang apela kaya nanatiling babae ang kasarian nito. Noong nakaraang taon itong nagdesisyong magretiro sa sports.
Ang hindi napag-alaman ng marami ay pumasok at nagsilbi pala si Aprilia sa Indonesian National Armed Forces (TNI) simula 2016.
Kamakailan lang ay ipinaliwanag ng kanilang Army Chief, General Andika Prankasa, na hindi isang transgender si Aprilia dahil lalaki ang kasarian nito noong ipinanganak ito. Sinabi niya na nang pumasok si Aprilia sa TNI at pinatawag upang sumailalim sa medical examination sa Gatot Subroto Army Hospital kung saan isinasagawa ang urological at hormonal tests ay saka lang nalaman na ipinanganak ito ng may kakaibang kondisyon na tinatawag na “hypospadias”. Ito ay isang kondisyon kung saan mayroong urethra opening na makikita sa ari nito at hindi sa dulo katulad ng nasa babae. Genital deformity kung tawagin sa ingles na kadalasan ay nararanasan ng mga lalaking sanggol.
Dahil sa kondisyong natuklasan kay Aprilia ay humingi itong sumailalim sa isang corrective surgery at maging isang ganap na lalaki. Pinayagan naman ito ng TNI.
Sa isang press conference ay sinabi ni General Andika na masaya ngayon si Aprilia na sa wakas ay makilala na siya bilang isang lalaki.
"This is a moment that I have been waiting for, very happy. Praise the Lord Jesus, I can pass this and I am grateful that God used you and my mother to meet me," ani ni Aprilia.
Hindi lang corrective surgery ang isinagawa kay Aprilia dahil nais rin nitong baguhin ang nakarehistrong kasarian sa kanyang mga dokumento.
Matagal nang pinag-uusapan ang kasarian ni Aprilia dahil nga sa napapansin ng tao sa kanya lalo na noong kabilang pa ito isang female volleyball team.
Samut-sari naman ang naging opinyon ng netizens sa balitang ito ngunit mas marami pa din ang nagpakita ng suporta sa ngayon ay ikinasaya ni Aprilia.
“Didn’t know TNI could be this supportive, look how happy Aprilia Manganang is. This also made my day”, paglalabas suporta ng isang netizen sa kanyang twitter post.
Maraming babae naman ang nabighani sa ipinakitang kagwapohan nito sa isang litrato kung saan makikitang itinaas ni Aprilia ang pulang T-shirt nito, kitang-kita ang kanyang solid abs.
May iba naman ang tila ay mas lalong ikinagalit ang mga rebelasyon ni Aprilia sa kanyang kasarian at ninais na i-ban ng national volleyball authorities ang dating volleyball team nito. Ngunit may isang twitter post naman ang nagpahayag ng suporta kay Aprilia at tuluyang pinatahimik ang naturang suhestiyon.
“It's a rare body condition he's been suffering since he was born. Really? a ban for a country from International volleyball? I know it's unfair, but penalizing or nullification is more suited in this case."
May iilan man ang hindi sumabay sa kasayahang nararamdaman ngayon ni Aprilia ngunit nanaig pa din ang bilang ng mga netizen na ipinagdiriwang ang mga balita tungkol kay Aprilia.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment