Tuesday, March 23, 2021

Lalaking Nais Bumili ng Sapatos Gamit ang Kanyang Tanging Ipon, Binigyan Ng Isang Kustomer!


Laganap pa din man ang mga balitang makabagbag-damdamin o mga kaganapan kung saan kalaban ng tao ang kapwa niya tao ay marami pa ding mga balita ang nakapagbibigay ngiti sa ating mga labi katulad ng mga balita na nagpapakitang may kabutihang pang natitira sa puso ng mga tao.

Kabilang sa mga nakakaantig na kwento ng kabutihan ng tao ay ang kwento ng isang lalaki na nagpunta sa isang store associate ng World Balance dala-dala ang kanyang tanging ipon.

Isang Facebook post ang nag-viral ngayon na ibinahagi ng World Balance ang nakakatuwang kwento na nangyari sa loob mismo ng kanilang store.

Sa kwento ni Caloy Pineda na isa sa mga saksi sa makahulugang pangyayari, na ang tinutukoy na lalaking pumasok sa store na kalaunan ay nakilala bilang Kuya Rexel na kung tingnan ay hindi man mukhang mayaman ay tinulungan pa din ito ng store associates habang ito ay pumipili ng sapatos sa bandang naka-sale.

Masipag na tao kung ilarawan ni Caloy si Kuya Rexel. Napansin nito na tila ay sabik na sabik itong bumili ng bagong pares ng sapatos mula sa tanging ipon nito. Nagkakahalang Php 1, 200 ang sapatos na ninais ni Kuya Rexel.

Kitang-kita sa litrato na maayos kung ilatag sa bangko at bilangin ni Kuya Rexel ang pera mula sa kanyang bulsa habang inihanda ng staff ang kanyang napiling sapatos. Makikita naman na pilo-pilo ng 20-peso bill ang perang ibabayad nito na tila ba ay nagmula sa kanyang ipon. 


Sa puntong binilang nito ang pera sa bangko, isang babaeng kostumer na nagngangalang Lilliam Matteo Quiat sa Facebook ang lumapit at nagsimulang magtanong kay kuya Rexel ng mga tanong katulad ng kung saan ito nagtatrabaho. Pinuri ng babaeng kustomer si Kuya Rexel sa kanyang kasipagan at bilang kanyang pagbibigay puri ay binigyan niya ito ng pera nang sa gayon ay makapili ng isa pang pares ng sapatos si Kuya Rexel.

Noong una ay nagdalawang isip si Kuya Rexel na tanggapin ang kabutihan ni Lilliam at ayaw sana nitong tanggapin ang perang nais iabot sa kanya ngunit nagpupumilit si Liliam na tanggapin niya ito. Matapos ang pagtatanggi ni Kuya Rexel ay sa huli tinanggap nito ang papuri ni Lilliam at binili ang pangawalang pares ng sapatos na gusto niya na nagkakahalagang Php 1, 799.

Hindi lang si Kuya Rexel ang binigyan niya ng papuri pati na din ang store associates na hindi tumaboy kay Kuya Rexel sa halip ay tinulungan ito. Inabutan niya ang mga ito ng Php 500.

Matapos ang kabutihan nito, umalis naman si Lilliam ng hindi nagpakilala.

Hindi man una nakilala sa kanyang pangalan si Lilliam ay nakakuha naman ng mga litrato si Caloy sa naging nakapagbibigay ngiti na asta ni Lilliam. Nakuha naman ni Caloy ang pangalan nito dahil nagpa-reserve umano si Lilliam ng sapatos sa sinasabing store.

Tuluyang nag-message si Caloy nang makuha ang pangalan ni Lilliam.

“Lord na po ang magbabalik ng blessing sayo at sa family po ninyo sa sarili niyang paraan”, mensahe ni Caloy kasama ang stolen shots na nakuha niya.

Nahiya pa si Lilliam nang makita ang mensahe ni Caloy. Sagot pa nito na nais niya talagang bilhan si Kuya Rexel ngunit wala itong dalawang wallet. Sa katunayan nga daw na ay huling perang natitira na lang iyon kay Lilliam.

Dagdag pa ni Lilliam na nais na sana niyang umalis ngunit hindi siya mapakali nang makita si Kuya Rexel.

Sa pagkakataong ito, si Lilliam naman ang binigyan ng puri ng mga taong napag-alaman ang kanyang kabutihan


Source: rachfeed

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment