Sunday, March 7, 2021

Pulis at Kabit Nito, Nahuli ng Legal na Misis!


Huli sa akto ang pagtataksil ng pulis na ito sa Cebu kung saan, nakunan pa mismo ng video ng kanyang misis ang taksil nitong mister at ang kanyang kalaguyo.

Sa programa ni Raffy Tulfo, idinulog ni Mary Joy Pescante ang tungkol sa ginawang pagtataksil ng kanyang mister na si PCpl. Ferry Polar Pescante. Si Mary Joy mismo ang nakahuli sa kataksilan ng kanyang asawa kung saan, sa bahay mismo ng kabit nito ay natutulog na magkasama ang dalawa.

Base sa video na ipinakita ni Mary Joy, makikita ang kanyang mister at ang kabit nito na natutulog. Kaya naman, laking gulat ng mister nito nang magising siya na nasa harapan na ang kanyang misis at kinukunan ng ebidensya ang kataksilan nito sa kanya.

Ayon pa kay Mary Joy, dahil sa pangyayari ay nagkaroon ito ng ilang mga galos at kalmot sa katawan matapos na pagtulungan umano siya ng mga kamag-anak ng kabit ng kanyang mister. Pagbabahagi pa nito, mayroon na umano siyang kutob tungkol sa ginagawang pagtataksil sa kanya ng kanyang asawa.

Kaya naman, isang araw ay nagdesisyon umano ito na sundan at hanapin kung saan talaga nagpupunta si Ferry. Nang tanungin ito tungkol dito ni Raffy, ani pa ni Mary Joy,

“Wife instinct po, Sir. Sabi ko sa mga anak ko, dito muna kayo sa bahay. Susundan ko ‘yung papa niyo kung talaga bang doon siya pupunta sa trabaho niya.”


Pinuntahan umano nito ang opisina ng asawa sa istasyon ng pulis ngunit, hindi niya ito rito nakita. Maging sa barangay ay wala rin umano ang kanyang mister. Kaya naman, inalam umano lahat ni Mary Joy ang mga lugar na maaaring puntahan ng asawa.

Upang mahanap ito, nag-arkela pa umano si Mary Joy ng motor para mapuntahan ang mga lugar kung saan maaaring nandoon ang asawa. Hanggang sa nagdesisyon na nga siyang puntahan ang bahay ng sinasabing kalaguyo ng kanyang mister.


Dito, sa pintuan pa lamang umano ng bahay ng kabit ay mayroon daw nakabantay na kapatid raw ng babae. Ngunit, saktong natutulog umano ito nang mga oras na iyon. Kaya naman, naaktuhan ni Mary Joy ang aktwal na pagtatakwil sa kanya ng pulis na mister.

Samantala, sa kabila ng malinaw na ebidensya ng kataksilan nito ay ipinipilit pa rin ni Ferry na hindi raw nito babae ang nahuli ng kanyang misis na kasama nitong natutulog. Pagdadahilan nito, kaibigan niya lamang daw kasi ang babae. Hindi niya rin daw umano namalayan na nakahawak sa kanya ang babae habang sila ay natutulog.

“‘Yung sinabi niya na may babae ako. Pero hindi ko ‘yun babae, sir. Friend lang kami,” ani pa nga ng pulis.

Pilit pa nitong ipinagtanggol ang sarili at sinabing wala raw itong ginagawang masama sa kanyang misis. Sa katunayan nga raw ay siya pa ang sinasaktan nito.

“Sir, wala naman akong ginawa sa misis ko. Ako nga, eh, sinaktan niya,” katwiran pa ulit ng pulis.


Samantala, nais ni Mary Joy na palayasin na sa kanilang bahay ang pulis. Hindi niya raw ito mapapatawad sa ginawa nitong kataksilan at gusto niyang matanggal ito sa trabaho. Nanindigan din si Mary Joy na kaya niyang buhayin ang kanilang limang anak.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment