Trending ngayon sa social media ang Facebook post ng netizen na ito kung saan, ibinahagi niya ang tungkol sa napakalaking cellphone na nabili raw nito online.
Ayon sa ibinahaging post ni Ryan Ballesteros, kaya pala umano mahal ang naturang cellphone ay dahil sa literal na laki nito. Base sa kanyang mga larawang ibinahagi, hindi halos kapani-paniwala na kasing laki ng tao ang naturang cellphone.
Kaya naman, napatawa na lamang ang netizen dito at napatanong kung paano niya na raw magagamit ang naturang cellphone. Sa laki nito, hindi raw ito magkakasya sa bag. Hindi rin nito alam paano raw ito magagamit gaya ng pagtawag.
Bentang-benta naman sa mga netizen ang Facebook post na ito ni Ryan na umani ng mga nakakatawang reaksyon. Karamihan sa mga ito ay hindi makapaniwala sa laki ng naturang cellphone at napatawa na lamang.
Sa katunayan, umabot na sa mahigit 60,000 lang naman ang bilang ng mga reaksyong naaani ng naturang post. Maliban pa ito sa kabi-kabilang mga komento na umabot na rin sa mahigit 13,000 at shares na nasa lagpas 55,000 na ang bilang.
“Grave ka LAZADA... Kaya pala ang mahal kasi ang laki! Halos magkasing laki na kami hayup. Paanu ko na ‘to maiba-bag? Paano na ako tatawag?
“LABAS MGA IPONE LOVERS ... PALAKIHAN PALA AH!” ang saad pa nga ni Ryan sa kanyang viral Facebook post.
Dahil pinag-usapan at kumuha ng maraming atensyon ang Facebook post na ito ng netizen, nakapanayam ito ng ilang mga mamamahayag gaya na lamang ng ‘Philippine Star’. Dito, nilinaw ni Ryan ang storya sa likod ng naturang dambuhalang cellphone.
Taliwas sa paniniwala ng maraming netizen na totoong cellphone ito at nagkamali lamang ang nagbebenta nito ng pagdeliver, sinadya pala talaga umano ng amo ni Ryan na ganoon kalaking cellphone ang bilhin.
Ayon kay Ryan, ang naturang cellphone umano ay hindi pala talaga totoong cellphone at isa lamang mesa. Inorder umano ng kanyang amo ang naturang mesa na disenyong cellphone para sa anak nitong walong taong gulang.
Sa katunayan, sa ngayon ay ginagait na umano ito ng anak ng kanyang boss. Ngunit, dahil nga para talagang totoong cellphone ang mesa ay nakatuwaan niya itong ibahagi sa socila media.
“Bale mesa lang po 'yan. Nagulat din kami kasi andaming nag-share kasi parang totoo po kasi talaga,” ang ani pa nga ni Ryan.
Dahil dito kaya hindi nalang din napigilan ng mga netizen na matawa dahil sa kakaibang disenyo ng naturang mesa. Totoo rin naman umano kasi na para talaga itong isang totoong cellphone. Marami pa nga sa mga ito ang pinuri ang naturang mesa dahil sa pagiging kakaiba at malikhain umano ng disenyo nito.
Ani ng pa nga ng ilan, ang talino umano ng pagkakagawa sa nasabing mesa. Kaya naman, ayon ng ilang netizen ay mukhang bibili rin umano sila ng kagaya ng naturang mesa. Magandang pang ‘motovation’ din daw umano ang naturang mesa kapag ginamit habang nagtatrabaho. Sa katunayan, mayroon na rin palang ibang mga netizen na nakabili na rin ng kagayang produkto.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment