Hindi kagaya ng ibang mga nanghihingi ng pera o barya sa kalsada, si Mang Romy ay hindi namamalimos para lamang sa kanyang sarili kundi para rin makatulong sa iba.
Labis na hinangaan kamakailan lang ng publiko si Mang Romeo ‘Romy’ Menil, isang PWD (Person with Disability), dahil sa pagtulong nito sa kanyang kapawa sa kabila ng kanya ring hirap na pinagdaraanan.
Sa Facebook post ng netizen na si Jazz Pher Justo, ibinahagi nito ang kabutihang ipinamalas ni Mang Romeo noong nakaraang Disyembre. Ayon sa netizen, ibinigay lahat ni Mang Romy ang mga nakolekta nitong pera sa panlilimos sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan, Antipolo City
Personal na nagpunta doon si Mang Romy at iniabot sa pari ang perang nagkakahalaga ng Php6,000. Ang perang ito ay nalikom niya mula sa pamamalimos sa daan. Ngunit, hindi pala ito ang unang beses na tumulong si Mang Romy sa mga nangangailang.
Ayon sa netizen, minsan na ring hinangaan ng marami si Mang Romy nang magbahagi rin ito ng mahigit Php12,000 na halaga ng pera sa cityhall ng Marikina bilang tulong noon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Ang perang ito ay galing pa rin sa kanyang nalikom mula sa pamamalimos.
“Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa.
“Si Mang Romy na isang PWD (stroke patient) last month nagtungo sa city hall ng Marikina para personal na iabot ang kanyang naipon sa panlilimos na 12,000+. Tulong niya ito sa mga taga-Marikina na nasalanta ng bagyong Ulysses.
“Ngayon naman po, nagdonate po siya sa St. Vincent Church sa brgy. Mambugan, Antipolo City ng mga naipon din niya sa panlilimos na nagkakahalagang 6,000. Si Mang Romy ay umattend ng simbang gabi at personal din niyang ibinigay sa pari ang kanyang mga naipon mula sa panlilimos..
“Kahanga-hanga po talaga si Mang Romy kahit po meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy pa rin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa,” pagbabahagi pa nga ng netizen.
Ayon kay Justo, inakala umano noon ng mga taga-cityhall na isa rin si Mang Romy sa mga manghihingi ng tulong nang magpunta ito roon. Ngunit, ito pa pala umano ang magbibigay ng tulong. Sa kabila ng sarili rin nitong hirap na pinagdaraanan, mas pinili noon ni Mang Romy na ibahagi bilang tulong ang kanyang nalikom na pera sa palilimos.
“Imbes na ilaan at gastusin niya para sa kanyang pangangailangan, ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga-Marikina na nasalanta ng bagyong Ulysses. Sobrang nakaka-inspire. Sana tularan pa ng iba…,” kwento pa nga noon ni Justo.
Personal din noon na inabot ni Mang Romy ang halagang mahigit sa Php12,000 kay Marikina Mayor Marcy Teodoro. Kahit mas kinailangan nito ng pera dahil sa kanyang kondisyon matapos na maging biktima ng stroke, mas pinili pa rin nito ang pagtulong sa mga mas nangangailangan. Kaya naman, hinangaan at naantig ang marami sa kabutihan ni Mang Romy.
“Halos lahat ng nandoon ay medyo naiyak dahil isang PWD na namamalimos akala natin ay manghihingi ng tulong. Siya pa pala yung magbibigay ng tulong para sa mga taga-Marikina,” ani pa ulit noon ni Justo.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment