Monday, March 15, 2021

Tricycle Driver, Hinangaan Matapos Magsauli ng Kalahating Miyong Peso na Naiwan ng Kanyang Pasahero


Isang huwarang tricycle driver sa Lucena City ang hinahangaan ngayon ng publiko matapos nitong magpamalas ng kabutihan at katapatan sa kanyang kapwa. 

Walang pagdadalawang isip na isinauli ng 38 taong gulang na si Nino Clor ang bag na naiwan ng isa nitong pasahero sa traysikel. Ang naturang bag ay naglalaman lang naman ng malaking pera na nagkakahalaga ng kalahating milyong peso.

Ang nagmamay-ari pala ng naturang bag ay isang negosyante na residente ng Polilio, Quezon. Ang perang naiwan nito sa traysikel ni Clor ay kita nito mula sa pagbebenta ng copra kaya naman, napakalaki ng pasasalamat nito at isang mabuting tao ang nakadikubre na naiwan niya ang kanyang bag.

Samantala, si Clor ay isang residente ng Purok Matahimik Isla ng Brgy. Cotta sa Lucena City. Dahil sa kanyang kabutihan at katapatan sa kanyang kapwa, binigyan ng malaking pagkilala ng Sanguniang Barangay ng Cotta si Clor. Maliban dito ay nakatanggap din siya mula rito ng halagang P5,000 bilang munting gantimpala.

Ngunit, higit sa mga pagkilalang ito ay pinakamahalaga pa rin sa traysikel driver ang tuwa at paghangang nararamadaman ng mga tao sa kanyang paligid dahil sa kanyang kabutihan. Ipinagmamalaki ngayon si Clor ng kanyang mga kakilala, kapitbahay, at lalo na ang kanyang pamilya.


Maliban pa rito ang mga pagsaludo na kanyang natanggap mula sa publiko at mga netizen na nakakaalam sa kanyang kabutihan.

Ayon kay Clor, nito lamang umanong Pebrero nang maging pasahero niya ang nagmamay-ari ng bag na kanyang isinauli. Kahit na mahirap ang buhay at malaking tulong na sana para rito ang napulot na pera, hindi umano kailanman naisip ni Clor na gumawa ng hindi mabuti.

Kaya naman, walang pagdadalawang-isip na agad ibinalik ni Clor ang naturang bag sa may-ari nito. Kwento pa nga ng huwarang tricycle driver, hindi raw napigilan ng may-ari ng pera na maiyak na lamang nang maisauli niya rito ang napulot niyang bag.

Kaya naman, agad na naging viral ang kwentong ito ng katapatan ni Clor na hinangaan ng maraming mag netizen. Ani ng mga ito, sa hirap ng buhay ngayon ay bihira na lamang umano ang mga katulad ni Clor na mas pinapairal pa rin ang pagiging makatao at matapat. Kaya naman, nararapat lamang itong hangaan, tularan, at bigyang pagsaludo.

Samantala, heto pa ang ilan sa mga positibong komento na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa kabutihang ito ni Clor:

“Si kuya ang nagpapatunay na kahit mahirap ang buhay ngayong pandemya, hindi ‘yun hadlang para gumawa ng kabutihan at katapatan. Nawa ay ang Panginoong Diyos ang magbalik sa iyo ng iyong kabutihan sa kapwa.”

“Nice! Itayo mo ang hanay ng mga tryicle driver! Mabuhay ka! Sana marami pang mga katulad mo, kabayan!”

“God bless you, kuya! Sana pamarisan ka nila na kahit mahirap ang ating buhay ngayon, hindi mo pinag-interesan ang pera… I salute you!”


“God bless you, kuya.! Sana all ganyan. Malamang kasi kung iba ang nakakuha at sa panahon ngayon na matindi ang pangangailangan ay hindi na ‘yan maibabalik. Sana'y bumalik sayo ang ginawa mong katapatan.. Salute!!!”

Source: furrycategory


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment