Sunday, March 21, 2021

Mga Akusado sa Pagpanaw ni Christine Dacera, Maghahain Din ng Counter Charges Laban sa Pamilya Nito


Nitong mga nakaraang araw ay tuluyan nang iminungkahi ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan umano ng kaso ang mga akusado sa pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera nitong bagong taon.

Reckless imprudence resulting to homicide, perjury, at obstruction of justice ay ang ilan lamang sa mga kasong isasampa umano sa 11 na indibidwal na nakasama ni Dacera noong gabi bago ito natagpuang walang buhay.

Bilang tugon naman dito ay inihayag ng kampo ng mga akusado na maghahain din sila ng counter charges laban sa pamilya ni Dacera. Una pa lamang ay iginiit ng mga ito na inosente sila sa pangyayari at natural ang dahilan ng pagpanaw ng kanilang kaibigan.

Ayon sa legal counsel ng mga ito na si Mike Santiago, apat na kaso ang nakatakda nilang ikaso laban sa pamilya ni Dacera. Ang mga ito ay malicious prosecution, perjury, libel, at incriminating innocent persons. 

Maliban dito ay may nakahanda rin daw silang kaso na isasampa naman sa mga tumayong witness ng pamilya ng flight attendant. Saad pa nga ni Santiago tungkol dito,

“We will also file counter charges against people who are concocting lies one after the other… They want to force the issue there was rape with homicide.

“They are innocent. There’s nothing to amicably settle. You only settle amicably if you think you’re guilty.”


Maliban kasi sa mga kasama ni Dacera nang gabing iyon, kabilang din sa sasampahan ng kaso ang isa nilang abogado at isang pulis. Ang mga ito ay sina Mark Anthony Rosales, Romel Galido, John Pascual Dela Serna III, Darwin Joseph Macalla, Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis, Atty. Neptali Maroto, Louie De Lima, at Police Maj. Michael Nick Sarmiento.

Ayon sa resulta ng isinagawang hiwalay na imbestigasyon ng NBI, bagama’t hindi nila mapatunayan ang mabigat na akusasyong rape sa mga akusadong kasama ni Dacera sa New Year’s Eve party sa isang hotel sa Makati, nadiskubrehan naman nila ang ilang mga ‘inconsistencies’ sa naunang imbestigasyon na isinagawa rito.

“We cannot prove the fact of rape. We cannot do a charge when we cannot prove this either at the level of prosecution or more so with the courts…

“Results of the autopsy report conducted by the NBI Medico Legal Division Chief revealed that in contrast to to the autopsy report of P/Maj. Sarmiento, M.D, victim’s urinary bladder was full or urine and in fact the NBI Forensic Team was able to extract 130 ml of urine and no abrasion was found in her labia majora,” ani pa ng NBI.


Noong una, naging sentro ng pambabatikos ang mga kaibigang ito ni Dacera matapos ang akusasyong rape sa kanilang kaibigan na naging sanhi raw ng pagpanaw dito. 

Ngunit, sa paglabas ng ilang mga ebidensya sa kaso gaya ng mga CCTV footage sa pangyayari, lumakas ang posibilidad na inosente ang mga ito at tama ang kanilang iginigiit na natural ang sanhi ng pagpanaw ng flight attendant. Kaya naman, patuloy ang pakikipaglaban ng mga ito para sa paglabas ng umano’y katotohanan sa nangyari. 

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment