Monday, March 22, 2021

Change Oil Girl, May Resbak sa Mga Netizen na Nambabatikos Sakanya!


“Change Oil girl” kung tawagin sa social media ang babaeng nadawit sa nag-viral na post na ibinahagi ng isang netizen na si Em-Em Fernandez tungkol sa paghihiwalayan ng noon ay mag-fiance na sila Yves Esteban at Kathyrine Roman.

Sa viral na post, si Kathyrine ang babaeng naglabas ng kanyang hinanakit sa kanyang IG stories tungkol pandadaraya at pag-cheat ng kanyang dating fiance na apat na taon niyang karelasyon. Naudlot ang kanilang sana ay kasalan nang maboku ni Kathyrine ang akusasyon nito sa tinatagong relasyon ni Yves sa isa pang babae na kung tawagin si Yves ay “Kuya Yves”.

Napuno ng pambabatikos ang laman-laman ng nasabing post na may kinalaman kay Yves at sa ikalawang babae na si Sarah de Leon na kung tawagin ngayon ay si change oil girl. Labis na suporta naman ang natanggap ni Kathyrine lalo na sa mga kababaihan.

Ang naging bansag kay Sarah na “Change Oil girl” ay nagmula sa isa sa mga alibi nito kay Kathyrine nang malamang nagsama silang dalawa ni Yves. Sagot nito na nagpasama lamang si Yves sa kanya na magpa-change oil. Iginiit ni Sarah na ‘may something’ sa kanila ni Yves sa kabila ng pagkokompronta ni Kathyrine sa kanya.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Sarah laban sa mga samut-saring pambabatikos na natanggap niya matapos madawit ang pangalan nito sa nag-viral na post.

Sagot ni Sarah, “Unang una wala ako dapat iexplain sainyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam at wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila yon. Kung nagtatago kami bakit kami lumalabas? How ironic diba. Kung di nyo matanggap na friends kami it’s not my problem anymore judge me nalang lol”.


Ani ni Sarah sa mga taong tinuring bilang kabet na hindi siya maaaring tawagin na kabet dahil una’t una daw sa lahat hindi pa kasal ang noon ay mag-fiance na sila Yves at Kathyrine.

“Sa mga nagsasabing kabet ako, hindi sila kasal wag ako balakayojan”, dagdag pa ni Sarah.

Ang mga naging sagot ni Sarah ay siyang caption niya sa ibinahaging post ni Yves. 

Ang tinutukoy na post ni Yves ay ang isang litrato ng gallon ng engine oil na may kasamang caption na, “Hindi po ba ang ibig sabihin kapag isinoli na ang singsing break na kayo? (March 7, 2pm) Para sa akin po hindi naman po mahirap intindihin yun. Sana sainyo rin hehe friends lang po kami ni Sarah de Leon wala naman po sigurong masama kung lumabas kami ng kaibigan ko. God bless po sa lahat”.

Bagaman sinubukang itanggi nina Yves at Sarah na may higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanilang dalawa ay hindi pa din kumbinsido ang marami sa mga netizen sa kanila. Tila ay sinakyan pa ni Yves ang bansag kay Sarah bilang change oil girl sa kanyang post na litrato ng engine oil kasabay ang pagtatanggol nito sa sarili at kay Sarah.



Kapansin-pansin naman sa social media na tila ay marami ang naosyoso sa nag-viral na post kung kaya ay laman-laman lalo na sa facebook ngayon ang mga larawan ni Yves at Sarah de Leon kasama ang bansag nito sa kanya.

Source: chikatime

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment