Sa Instagram, emosyonal ang ibinahaging pahayag ng aktres, host, at vlogger na si Alex Gonzaga tungkol sa pagmamahal nito sa kanyang mga fans o tagasuporta.
Ayon kay Alex, nakaabot dito ang tungkol daw sa pagdaramdam ng kanyang mga fans dahil sa animo’y hindi niya raw pagbibigay halaga o pagbabalewala sa mga ito. Dito, ikinalungkot daw ng aktres ang naturang akusasyon dahil para kay Alex, mahalaga at mahal na mahal niya ang kanyang mga fans.
Pagbabahagi nito, wala raw siyang pakilaam kung anu-ano man daw ang itawag sa kanya ng mga tao ngunit, ibang usapan na kapag ang mga tagasuporta nito ang mayroong nasasabi sa kanya. Kasama niya ang mga ito sa kanyang karera kaya apektado ng mga ito si Alex.
“Howdy my dear… People may call me anything they want but I will never ever be ungrateful.
“I love you all and I appreciate you. Knowing some of you feel neglected makes me sad. Kilala ko kayo by your usernames especially when I see your tags and efforts. You are all part of my journey,” ani pa ni Alex sa mga ito.
Idiniin dito ni Alex kung gaano niya kamahal ang kanyang mga fans at kung gaano niya pinapahalagahan ang pagsuporta ng mga ito sa kanya. Maging ang kanyang pamilya ay buo din ang pagmamahal para sa mga ito kahit gaano man kalayo o kadami ang kanyang mga supporters.
“BLESSING KAYO lahat sa akin. Madami, kaunti, malayo, malapit, madalas, minsan… alam kong sumusuporta kayo. Mahal ko kayo at ng buong pamilya namin…” ani pa ulit ni Alex.
Pagbubunyag pa ng aktres, hindi niya raw napigilan na mapaiyak sa naturang balita dahil sa sobra niyang pagpapahalaga sa kanyang mga supporters. Sa katunayan, humiling pa sa mga ito si Alex na maging maayos na ulit sila.
“I don’t get affected because of bashing but this one with my supporters made me cry because I really appreciate ALL OF YOU. Let’s have peace, please,” saad pa ulit nito.
Dahil naman dito kaya hindi naiwasan ng marami na humanga kay Alex dahil sa sobrang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kanyang mga tagasuporta. Sa kabila ng akusasyong ito sa kanya, mas pinili pa rin nito na magpakumbaba sa kanyang mga fans.
Samantala, mayroon namang ibang mga netizen na ipinatanggol si Alex mula sa akusasyon na pagbalewala nito sa kanyang mga fans. Ani ng mga ito, minsan daw ay nakakalimutan ng iba na intindihin ang mga artista at na hindi madali ang buhay ng mga ito.
Payo naman ng ilan kay Alex, hindi umano sa lahat ng pagkakataon ay napapasaya nito ang lahat ng tao dahil mayroon at mayroon pa ring masasabi ang ilan sa mga ito. Kaya naman, imbes na malungkot ay patunayan na lamang umano ni Alex na mali ang akusasyon ng mga ito sa kanya.
Ang mahalaga umano ay marami pa rin ang patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya. Mas marami pa rin umano ang mga napapasaya nito at iyon ang pinakamahalaga sa lahat.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment