Tuesday, March 9, 2021

Dating Working Student at Nagtrabahong Delivery Rider, Isa na Ngayong Ganap na Pulis

Hinangaan at naging inspirasyon sa maraming mga netizen ang kwentong ito ng isa na ngayong pulis na si Renx Francisco D. Ramos.

Bago kasi nito maabot ang kanyang pangarap bilang isang ganap na pulis, nakakabilib ang ginawang pagsisikap ni Renx sa pagtatarabaho habang at pagkatapos nitong mag-aral.

Isang working student noon si Renx kung saan, pinagsabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang crew sa isang sikat na fast-food chain. Isa si Renx sa mga mag-aaral na hindi nagpatinag sa pagsubok ng buhay at mas piniling abutin ang mga pangarap kahit pa man sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Nang makapagtapos, hindi pa rin tumigil si Renx sa kanyang pagsisikap o naghintay lamang sa tabi na dumating ng kusa ang kanyang pangarap. Habang naghihintay ng quota para makapasok sa Philippine National Police, hindi sinayang ni Renx ang oras at nagtrabaho rin muna bilang isang food delivery rider.

Kaya naman, nang tuluyan nang maabot ni Renx ang pangarap at makapasok sa PNP, walang katumbas ang saya na naramdaman nito. Hindi biro ang magtrabaho at mapagtapos ang sarili kaya isang inspirasyon si Renx para sa marami.

Payo pa nga ni Renx para sa mga katulad nitong minsan ding nangarap na maabot ang kanilang pangarap, magsumikap umano ang mga ito at huwag titigil hanga’t hindi naaabot ang kanilang minimithing pangarap.

Sa isang viral Facebook post, ani pa nga ni Renx,

“HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa jollibee. Pinagtapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng qouta sa pnp at sa wakas, naabot ko na pangarap ko… Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.”


Dahil dito kaya nakatanggap ng kabi-kabilang pagbati at mga paghanga si Renx mula sa mga netizen na bumilib sa kanyang pagsisikap upang maabot ang kanyang pangarap. Ani ng mga ito, sana umano ay maging isang magandang halimbawa si Renx para sa mga katulad nitong nais din na maabot ang kanilang mga pangarap.

Heto nga ang ilan sa mga positibong reaksyon na inihayag ng mga netizen tungkol sa kwento ng tagumpay ni Renx:

“Congrats, Sir! Isa kang ispirasyon para sa aming nangangarap din maging isang alagad ng batas gaya mo. Keep safe and god bless, Sir!”

“Sana maging mabuting pulis ka at di ka masilaw sa mga gawaing labag sa batas. God bless at Congratulations.”

“Ingatan mo pagkapulis mo, sir. Wag po kayo gumaya sa mga bad police record para di masayang ang inyong pangarap. Salute, bro!”

“Wow! Sgt. saludo ako sa mga taong katulad mo. Pagbutihan mo lang at mahalin ang trabaho mo… May kinabukasan ka.”

“Congrats, paps, at ngaun police ka na. Naramdaman mo ang hirap nating mga rider kaya advice mo ‘yung ibang kabaro mo na wag na pagkaperahan ‘yung mga rider na pagod maghapon sa kalsada umulan man o umaraw.”

“Salute, sir! If there's a will, there's a success. Yung iba dyan, sinisisi pa magulang kasi hindi daw sila pinag-aral kasi walang panggastos.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment