Wednesday, April 14, 2021

Bata sa Surigao Nag Viral Matapos Kumain ng Buhay na Coconut Worms


Nagkagulo sa social media matapos nai-post ang video ng aktong pagkain ng isang toddler sa buhay na coconut worm o batud sa Surigao.

Ang videong ito ay pinost sa Facebook noong April 6, 2021 at umani agad ito ng daan-daang mga comments. 

Kitang kita ka sa video ang mga matataba at gumagalaw na batud na nagsigalawan sa plato habang kinakain ito ng bata.

Makikita rin sa video na sinubukang kunin ng mas nakakatandang batang lalaki ang kinakaing batud pero umiyak ang batang babae.

Maririnig naman sa video ang boses ng tatay ng bata na ipapaligpit na ang pagkain at ang dahilan umano na umiyak ulit ang bata.

Lumalabas sa video na ayaw mamigay ng batang babae sa mga batud na nasa plato.


Para makalma ang isipan ng babae, naisipan niyang mamigay nalang ng mga batud sa mga taong nasa paligid niya.

Inulan naman ng kabi-kabilang mga komento ang nakitang video sa Facebook. Marami ang di natuwa sa nakitang post dahil sa umano’y hindi ligtas ang kinakain ng batang babae.


Marami ang nagparating ng kanilang pagkakadismaya sa mga magulang ng bata dahil hindi tama ang ginawang pag-aaruga sa kanilang mga anak. 

“Parents should make sure the food you give to your children are good. Sa pagkain nayan, the parents maybe out of there mind ibinigay nila sa anak nila yung hindi luto na pagkain. Butit hindi natakot yung anak niyo.”

“Ano yan? Nakakain ba yan? OMG.”

“Hee anu yan pinapakain sa bata hilaw.”

“Ayy ano ba yan kahi8 ood pinapakain nasa bata wala na bang ibang makain nyan kahi8 ako babayaran ng libo libo ayaw ko rin.”

“Looda ana oi.”

“Eeew yucks ka luod ana oyy.”

Napilitan humingi ng tulong ang mag-asawa ng tulong kay Raffy Tulfo dahil umano sa di nakayanang mga harsh comments at pamba-bash ng mga nakakakita sa video. 

Agad naman tumugon ang programang Tulfo at ayon sa kanyang research, napag-alaman na edible ang coconut warm o batud. 

Ang batud ay isang popular na delicacy sa Vietnam kung tawagin ay duong dua. “It is considered as invertebrate , gaya ng insects, sea urchin, crabs, lobsters. Iyan po ay nakakain,” sabi ni Raffy Tulfo. 

Dugtong niya pa, “Makikita sa video at sarap na sarap ang bata. Edible naman talaga iyan. That is protein.”

Tinawagan din ni Raffy ang nutritionist ng Surigao at nakumpirma niya na edible ang batud at wala pang naibalita na nasawi dahil sa pagkain ng coconut worm.


Marami ding mga netizen ang pinagtanggol ang mga magulang ng nasabing bata at sinabihan at pinatotohanan din nila na talagang edible ang batud dahil nasubukan na nilang kainin ang mga ito. 

“Masarap kaya yan matamis tamis parang gatas.”

Ang coconut worm ay may scientific name na Rhynchophorus ferrugineus at kilala itong South Asian cuisine.

Sa iba pang bahagi ng Pilipinas, ang tawag naman nila dito ay Uok at bukod sa protina, masagana rin daw ito sa calcium at iron.

Ang iba ay kinakain itong hilaw o kaya ay lutong adobo at ginagawa ring pulutan sa inuman.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment