Wednesday, April 14, 2021

Tindahan sa Las Piñas, Pinagkaguluhan ng Mga Tao Ngayong Panibagong Lockdown


Sa panahon ngayon, walang ng libre ngunit maiba naman tayo sa isang store sa Las Piñas na nag viral dahil sa pwedeng pwede ka mamili ng mga grocery items ng walang babayran kahit piso.

Matapos ipost ng isang netizen na si Lovely Sotto ang ang nag viral na store, marami ang napahanga sa ganitong pamamaraan sa pagtulong lalong lalo na sa panahon ng pandemya. 

Free store ang tawag dito na proyekto ng isang religious group sa bansa. 

Makikita sa sinabing free store ang mga food necessities, kagaya ng bigas, kape, canned goods, instant noodles at marami pang iba.

Sa Facebook ni Lovey nitong April 9, 2021, makikita ang mga nakuhang photos ng mga residente hawak-hawak ang mga grocery basket na na walang kailangang bayaran pagkatapos. 

“Get everything here for free! Walang babayaran kahit piso,” caption ni Lovely sa kanyang post sa Facebook.

Mas nakakaantig pa sa post ni Lovey ay ang pagkasabi niya na yung iba ay nagmamadali para magbigay-daan sa iba na makapili rin sila. 

“Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila “Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.” Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila yung kapwa,” caption ni Lovely sa kanyang post.



“Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun. Kami po’y mga aliping walang kabuluhan lamang.”

“MCGI FREE STORE. Get what you need and not what you want! Wala pong kapalit.”

“Thanks be to God for the opportunity to serve Him.  Nawa’y bigyan Niya pa ako ng buhay na makapaglingkod muli, loobin. 

Love,

your worthless servants 

“P.S. Ang Dating Daan Lokal po ng Pamplona Tres, Las Piñas po kami nakalocate. Meron din po sa location niyo,” dagdag ni Lovely sa kanyang post.


Si Lovely ay isang volunteer ng free-store project sa Pamplona Tres, branch sa Las  Piñas.

Makikita sa post ni Lovely na ito ay isang proyekto ng “Dating Daan” na inspired ang pangalan sa (Members Church of God International) kaya pinangalanang MCGI store. 


Ilan lamang sa mga lugar na may free store ay sa Pampanga, Laguna. Baguio, Albay, Iloilo, Leyte, Antipolo, Camarines Sur at Oriental Mindoro.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment