Isang post na naman ang nag viral matapos tinulungan ng isang delivery rider na pagbatiin ang kanyang customer at ang nobyo nito.
Ayon sa kanyang customer, tinulungan siya ng delivery rider upang magkaayos sila ng kanyang nobyo dahil nagkaroon sila ng kaunting misunderstanding.
Ipinost ni Pia Espejo sa Twitter ang screenshots ng conversation nila ng delivery rider at ipinakita kung paano umano siya tinulungan nito.
“Mabuhay lahat ng delivery rider na nadadamay ko sa kalandian ko @grabph,” post ni Pia sa kanyang Twitter.
"Hi Kuya. Pwede po pasabi dun sa receiver "Magbati na kayo Sir" haha. Thank you po," sabi ni Pia
"Ikaw po ba kaaway? Lalagyan ko note,” tanong ng delivery rider.
Ibinahagi ni Pia ang photo ng snack na natanggap ng kanyang boyfriend na may note na “Peace na tayo.”
Maraming mga netizen naman ang naantig sa ginawa ng food delivery rider. Marami ang nagbigay ng kani-kanilang komento.
“What a feel good story. Thank you to our delivery riders.”
“Can I just say? Most of our delivery riders are usually very nice and accommodating to special requests. Above and beyond their service talaga.”
“Delivery riders are real blessings! Especially at this time of pandemic.”
Mas naging talamak ang paggamit ng mga food delivery services dahil ang mga tao ay natutong mag-order ng food online sa panahon ng pandemya.
Matandaan lamang na lumabas ang samu’t saring isyu tungkol sa mga delivery riders. May iba na hindi pinapasok sa lugar ng pinag-dedeliveran dahil hindi “essential” ang i-dedeliver nito.
Ilan lamang sa mga nag viral na posts ay ang tungkol sa #lugawisessential.
Ito ay tungkol sa isang delivery rider na hindi pinapasok sa lugar kung saan ihahatid ang lugaw na order ng kanyang customer dahil hindi ito essential.
Maalalang mismo ang mga barangay officials pa ang nagpahinto sa umanong food delivery rider.
Ang balitang ito ay nagpapatunay lamang na may mga delivery riders na higit pa sa trabaho ang ginagawa nila. Ninais pang tulungan ang kanyang customer.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment