Mainit init pa naman ang isyung nangyari tungkol sa isyung community pantry ng isang aktres na binatikos ng karamihan dahil sa may isang buhay na nakalas. Halo halo ang reaksyon ng bawat isa na nakakita o nakarinig ng nasabing isyu.
Kamakailang lang ay nalagay sa isang kontrobersya si Angel Locsin dahil sa nangyaring kaguluhan na dulot ng kanyang community pantry. Sinabi niya na ang community pantry ay ang kanyang daan upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Nang mangyari ang trahedya, agad naman gumawa ng aksyon si Angel at kalaunan nahinto na ang nasabing community pantry. Sabi ng marami, ang isang lalaki na nakapila sa kanyang pantry na nagngangalang Rolando dela Cruz ay A.M pa lang daw nandoon nakapila.
Todo naman ang paghingi ni Angel ng sorry sa mga tao at lalong lalo na sa pamilya ng namatay na senior citizen. Nag post pa siya sa kanyang social media para lang manghingi ng tawad sa kaguluhan na nangyari sa Quezon City.
“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” sabi ni Angel.
“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will make it my responsibility to help them get through this,” dagdag pa niya.
Hindi nalampasan ni Angel ng samu’t saring pambabatikos sa kanya ng mga netizen at lalong lalo na hindi niya matatakasan ang pighati na nararanasan ng pamilya ni tatay Rolando.
Sa kabila ng pambabatikos, ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga kapwa aktres at pinakalma siya na wala siyang kasalanan sa nangyari. Nagkataon lang na inatake sia panahon na ipinatayo niya ang kanyang pantry.
Ilan sa mga kapwa niya aktres ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe ay sila si Anne Curtis, Rita Avila, Iza Calzado, Vice Ganda at Liza Soberano. Ngunit, naging pinakamainit ang naging komento ni Liza Soberano dahil hindi ito nagustuhan ng mga netizen.
“You don’t need to say sorry ate dahil hindi mo naman ginusto ang mga nangyari.We will be praying for tatay’s soul, for his family who is mourning , and for your good health and peace of mind,” sabi ni Liza sa kanyang post.
Hindi nakaligtas si Liza sa mga pambabatikos ng mga netizen sa binitiwan niyang komento. Marami ang hindi maintindihan ang kanyang sinabi. Sabi ng ilang mga netizen, huwag ng makialam sa isyu at manahimik nalang.
Ilan sa mga netizen ay gigil na gigil na banatan ang komento ni Liza sa nangyaring kaguluhan dahil sa ipinatayong community pantry ni Angel.
“Angel is just humble enough to say sorry. What happened wasn’t her intention but she felt that somehow she is responsible for it. That’s a major turn on for her. But for you to say that ‘You don’t need to say sorry,’ that’s a major turn off. Entitled ka ata masyado saka medyo insensitive ‘yon at medyo na-disappoint tao sa ‘yo dahil dyan. Tsk tsk,” pamumuna ni @jessamine018.
“Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation,” paliwanag ni Liza. Natural lang daw na mag-sorry si Angel sa nangyari lalo pa nga’t may namatay sa insidente.
Humingi naman ng tawad si Liza dahil sa kung ano man ang sinabi niya. Nasabi lang niya yun dahil sa mga nagagalit kay Angel at mga negative comments.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment