Sa kasagsagan ng pandemya, maraming mga establisyamento ang nagsara at dulot nito, marami ang mga taong labis na na naapektuhan. Marami ang nawalan ng trabaho at marami sa atin ang labis na naghihirap.
Sa sistema ng pag-aaral, walang paaralan o unibersidad ang nagbukas at nag offer ng face-to-face classes. Marami sa ating mga guro at mga estudyante ang biglaang nag adapt sa tinatawag natin na online learning.
Bilang proteksyon laban sa COVID-19, mahigit taon din na namalagi ang mga tao sa bahay at palabasin lang kung may essentials na bibilhin. Ang pagsuot ng face masks at face shields ay naging “ new normal” at mandatory na para sa lahat.
Kaya ganun na lamang ang pag-iingat ng mga tao na laging magdala ng face masks at face shields sa tuwing lalabas na bahay dahil may multa umano kapag nakitang walang suot na face masks at face shields.
Ganito na lamang ang good vibes na hatag ng isang netizen sa kanyang ipinost sa mga photos sa social media ng mga lalaking nakasakay sa jeep habang suot ang mga improvised face shields.
Sa photo na kanyang ipinost, kitang kita ang isang lalaki na suot suot ang kanyang kakaibang face mask. Hindi ito gaya ng face shields ng lahat na binibili sa mga online shops at mga department stores.
Ang face shield na suot ng lalaki ay isang improvised. Ginamit niya ang isang plastic na pang supot kapag ikaw ay bibili sa tindahan.
“Hanap lang ng paraan. Dahil 1K kapag walang face shield. Ito talaga ang kadadatnan pag hindi nagdala,” caption ng lalaki sa kanyang post.
Sa kabilang banda, agad naman nakuha ang atensyon ng mga netizen sa photo na na kasama sa pinost ng isang lalaki. Hindi naman plastic ang kanyang gamit bilang face shield pero sabi ng iba pwede na daw.
Ang isa pang lalaki naman na nakasama sa post ng netizen, suot naman niya ang lalagyan na karton ng face shield. Hindi ang mismong face shield ang kanyang isinuot kundi ang karton na nilalagyan nito.
Nakatakip ang karton ng face shield at sabay may face mask sa labas ng kanyang bibig.
Marami talaga ang natuwa sa post na ito. Ang iba ay sinasabing wala naman palang problema kapag nakalimutan ang pagdala ng face shield. Plastic lang na pang supot ay sapat na.
Samu’t saring mga komento ang binigay ng mga netizen sa post ng lalaki. Ilan sa mga komento ng mga netizen ay sinasabing maparaan daw si kuya.
“Enhanced version of face shield.”
“Yung ginamit mo 100% ng utak mo.”
“Ang talino talaga ng Pinoy. Walang makakalo.”
Literal na faceshield. HAHAHA.”
Kahit marami man ang natuwa sa post sa social media, may iba pa rin na hindi sang-ayon sa ginawa ng mga lalaki sa photos. May ilan na nagsasabing huwag gawing katatawanan ang ganitong mga bagay. Dapat may disiplina sa pagsunod sa mga safety protocols.
Sa panahon ng pandemya, nararapat lang na hindi natin isawalang bahala ang mga safety protocols na ipinapatupad ng ating gobyerno. Para sa ikabubuti ng lahat, nararapat lang na tayo ay sumusunod sa batas.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment