Isa na namang panibagong awayan ang naganap sa daan sa pagitan ng isang cyclist at isang car owner dahil nasagi umano ang sasakyan nito.
Maraming ng mga aksidente sa daan ang napabalitang nagresulta sa alitan at awayan. Kamakailan lang ay napabalita ang isang aktor na napaaway umano sa daan dahil lamang sa nasabing gitgitan ng dalawang sasakyan.
Hindi maiiwasan ang awayan na ito lalo na kapag may nadamay o may naitalang damage sa sasakyan o di kaya’y sa mismong nag dadrayb ng sasakyan.
Sa isang video na nakuhanan ng isang concerned netizen, kitang kita ang lalaki at babae na galit na galit sa isang cyclist dahil sa umano na sideswipe ang kanilang sinasakyang kotse.
Kitang kita sa video na kalmado lang na nakipag-usap ang cyclist ngunit ang may-ari ng kotse ay sobrang nag hysterical na kasama ang kanyang asawa. Sinabi niya sa publiko na ang bilis manghusga ng mga tao ni hindi naman alam ang tunay at buong pangyayari.
Kitang kita sa video ang pagkagalit ng asawa ng may-ari ng kotse sa mga taong pinagsabihan niyang ang bilis makapagbigay ng komento sa sitwasyon.
Sa video, dinig na dinig ang pagdepensa ng cyclist sa kanyang sarili na hindi siya ang may kasalanan sa pangyayari.
“Hinabol niya po ako, paghabol po sa akin, binangga pa po niya ako eh,” sabi ng cyclist.
Sa kalagitnaan dumating naman ang isang cyclist ang sinubukan makisali sa nasabing alitan ng dalawa at para na rin mapakalma ang nag hysterical na car owner.
Sinubukang kunin ng may-ari ng kotse ang bisikleta ng cyclist para ipakita sa publiko anong parte ng kanyang bisikleta ang nakasagi sa kanyang kotse. “Dito, oh dito,” sabi ng may-ari ng kotse.
Patuloy pa rin ang pag insist ng may ari ng kotse na yung bisikleta talaga ang may kasalanan sa nangyari. Kitang kita na nagkakagulo na at maraming mga tao ang nagsidatingan para masettle ang nasabing kaguluhan.
Ang pagka hysterical ng may-ari ng kotse ay gumawa ng aberya sa galaw ng trapiko. Hindi talaga palalampasin ng dalawa ang nangyaring pagkakaroon ng gasgas ng kanilang kotse dahil sa nasagi ito ng bisikleta.
Sinubukang kausapin na naman ng isa pang cyclist ang babae ngunit hindi ito pinakinggan. Pasigaw itong kinakausap ang cyclist. Kalmado lang ang cyclist na kinakausap ang babae para lang maibsan ang pagka hysterical nito ngunit hindi pa rin nakikinig ang babae.
Sinabi pa nga ng babae na kailangan idaan ito sa proseso ng awtoridad. “Nasaan ang police station? Barangay?”, tanong ng babae habang galit na galit ito sa lalaki na kumausap sa kanya.
Marami namang nagsasabi sa video na mga nakasaksi ng pangyayari na hindi naman kasalanan ng cyclist ang nangyaring pagkakaroon ng gasgas nasabing kotse.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment