Simula nang magkaroon ng pandemya, maraming mga buhay ang nagbago. Maraming mga tao ang naapektuhan at marami rin ang mga sistema ang nagbago gaya na lamang ng pag-iimplementa ng mga strict community quarantine at health protocols.
Mas naging marami ang mga taong gumagamit ng social media dahil mas nagkaroon ng oras at panahon ang mga tao at minsan “boring” din para sa kanila na walang ginagawa.
Naging sandigan ng karamihan ang social media na siyang primary source na kinukuhanan ng mga impormasyon at mga trending na balita.
Ganito na lamang ang isang pangyayari na nag trending sa social media matapos kumalat ang post ng isang lalaki na natutulog sa kalye suot ang Spiderman costume.
Sa kanyang Facebook live, kitang kita ang lalaki na nakasuot ng Spiderman costume sa kalye na binibidyuhan mismo ang kanyang sarili.
Saktong nadaanan din ng mga pulis habang nag ro-roving sa lugar para manghuli ng mga taong lumalabag sa curfew. Nahuli nila ang isang lalaki na nakahiga sa kalye habang nagli-live sa Facebook.
“Spiderman, p*tangina eh pumasok ka ano bang ginagawa mo diyan?” tanong ng pulis sa lalaki.
“Nali-live ka pa, nag a-air ka pa ng ano…” dagdag ng pulis.
Kitang kita sa video ang pagkahuli ng lalaki dahil sa paglabag sa curfew. Sinabihan siya ng isa pang pulis sumakay sa police car at huwag na ituloy ang kanyang pagli-live sa Facebook.
Kumaway ang pulis sa mismong live ng lalaki at sinabi sa mga nanonood ng live na “Huli si Spiderman.”
Sinabi din ng pulis sa video na walang face mask ang lalaki at ito ay paglabag mismo sa community safety guidelines. Sinubukang kausapin ng mga pulis na ihinto na ang nasimulang live.
Pumayag ang lalaki na ihinto na ang live at kunin ang kanyang cellphone pero sinabihan siya ng pulis na siya mismo ang kukuha sa cellphone niyang naka Facebook live.
“Sige, sige. Kunin nyo,” sabi ng lalaki
“Hindi, hindi, Ikaw na ang kumuha,” sagot naman ng pulis.
Kinausap din siya ng mga pulis na tanggalin ang Spiderman na maskara niya sa mukha na at sinabihan siyang ipakita ang kanyang mukha sa mismong Facebook live niya.
Parang binabantayan ng mga nanonood ng live si Spiderman habang natutulog. Marami ring mga netizen ang nanood ng kanyang live at kung gayon na lamang mabilis itong kumalat.
“Binabantayan nyo ba si Spiderman habang natutulog?” tanong ng pulis sa mga nanood ng live.
“Ayan sila sir oh! Shoutout.” sagot naman ng lalaki.
Hindi rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng komento sa naturang live.
“Spiderman Homeless. Only in the Philippines. Now showing!”
“Spiderman far from home”
“Iba talaga mga pulis sa Pinas nakayang hulihin si Spiderman. Lakas nyo. Saludo ako sa inyo.”
“Wala raw facemask ehh naka full face mask nga hahaha”
Maraming mga netizen ang natuwa sa Facebook live ni Spiderman. Marami ang nagsabi na “good vibes” daw ang binigay ng lalaki.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment