Tuesday, April 6, 2021

Mga Netizen, Naantig sa Pahayag ng Isang Doktor na Tatlong Buwan Nang Walang Sahod


Kapag isang doktor, maliban sa pagliligtas sa buhay ng mga tao ay agad na iniisip ng mga tao ang malaki umano nilang sweldo.

Ngunit, sa trending post ng isang netizen ay pinabulaanan niya ang agam-agam na ito sa kanilang propesyon lalo na ngayong mayroong pandemya kung saan, inakala ng maraming mga tao na malaking pera ang napupunta sa kanila sa pagiging frontliner.

Sa Twitter post ng isang doktor na nagtatrabaho sa Philippine General Hospital, ibinahagi nito kung paanong hindi niya magawang tumulong sa kanyang pamilya ngayong muli na namang isinailalim sa ECQ ang ka- Maynilaan.

“Messaged my mom: "Ma, bukas magstock kayo kahit kaunti jan para sa ECQ" 

“Ma: "Wala pang sahod ang papa mo" 

“Me, a doctor in PGH (a central COVID referral facility) looks into my salary ATM with 1 peso balance,” saad pa nito sa kanyang twitter post.

Dito, ibinahagi ng naturang doktor kung paanong sa loob ng tatlong buwan ay wala pa itong sahod kahit na nagtatrabaho siya sa isang central COVID-19 referral facility. Dito, tinawanan na lamang din ng doktor ang malaking spekulasyon na pera pera lamang umano para sa kanila ang COVID-19 na iniisip ng maraming mga tao.

Kung tutuusin, hindi niya man lamang umano matulungan ang kanyang pamilya ngayong ECQ dahil sa kawalan nito ng sweldo. Ani pa nito,

“Yup. 3 months working in the hospital wala pa din akong sahod hehe. So tingin ba ng mga tao pera pera lang to paa sa aming mga doktor? Kung samin lang talaga napupunta ano? Baka magovertime pa ako sa trabaho lol… 

“Hay. I can't even help feed my own family especially now na ECQ na.”


Agad naman na naging trending ang tweet na ito ng naturang doktor at umani ng kabi-kabilang reaksyon mula sa mga netizen. Dito, kinondena nila ang kakulangan ng gobyerno sa pagtustos sa sweldo ng mga tinaguriang frontliner sa pakikipaglaban sa COVID-19.

“OMG...doctor na yan, how much more kung ordinaryong Pilipino? Baka kahit singkong duling walang makutkot,” ani pa nga ng isang netizen na nagbahagi ng tweet ng naturang doktor.

Dagdag ani naman ng ilang mga netizen, nakakapanlumo umano na kahit ang ating mga doktor ay nakakaranas din ng ganito gayong sila ang dapat na pinagtutuunang pansin dahil sila ang humaharap at nakikipaglaban sa kinakaharap ngayong pandemya ng bansa.

Heto nga ang ilan pa sa mga opinyong ito ng mga netizen na naantig sa viral post na iyon ng isang doktor:

“Hindi po ba dapat ang ating mga medical frontliners ang priority sa ngayon when it comes to incentives? Di po ba dapat sila pa ang dinadagdagan nd sahod, benefits at bonuses because they are the ones sacrificing their lives?”


“Totoo po ‘yan at hindi din ganun kalaki sahod ng mga nurse dito sa Pinas. Nasa range ng 16-20k private hospital. Public, medyo mataas pero mas madaming trabaho.”

“Nakakalow morale. God is in control. Amen !”

“Baka mas malaki pa ang sahod ng ordinaryong kapulisan sa atin na halos 38k to 40k ang sahod ng kapulisan at kasundaluhan tapos mga doctors natin, lalo na sa private napakababa. Buhay na nga nila ang nakasalalay.” 

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment