Pinag-iinitan ngayon ng mga netizen ang isang aktres na si Angelica Panganiban matapos binanatan ang Red Cross Subic sa Olongapo. Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Angelica Panganiban matapos ang kanyang naging post sa kanyang Twitter account.
Nagpost siya tungkol sa ginawang palakasan na nangyari sa Red Cross partikular na sa isinagawang swab test doon. Sabi ni Angelica, inuna pa raw kasi ang ibang tao kaysa sa kasama niya. “Hello redcross subic!! Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo,” ani ni Angelica.
“Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan. Tweet ko na lang,” ang tweet ni Angelica.
Sinundan pa niya ito ng, “Taray ng red cross dito sa subic. D sila namamansin.”
Ibinahagi din ng aktres ang kanyang labis na pagkadismaya sa kanyang huling pagpapa swab test sa Red Cross “Nung huling beses ako nag pa swab sa red cross, muntik akong mabaliw. Nag padala sila ng email na positive ako sa covid.
“Pero yung attachment result, negative ako. Ginawa nila yun sa buong olongapo guys. nag sorry naman sila after 12 hours,” pahayag pa ng dalaga.
Dahil sa kanyang mga naging pahayag at naging post sa kanyang Twitter account, inulan ng pambabatikos ang aktres at marami ang naging negatibo ang ang reaksyon laban kay Angelica. Nirepost ang kanyang tweet ng isang Subic Red Cross medtech na si John Daniel Isabelo at nilinaw nito ang nasabing isyu.
Bwelta niya sa aktres, “Sana po di ka na lang nag-tweet na parang ang lalabas na masama eh kami. You need to take into consideration what’s really happening inside the swabbing facility.
“Naging lenient naman po kami sa inyo na kahit hindi kayo naka-sched ngayon, siningit pa rin kayo. Paano naman po yung mga nauna sa inyo at nakapila sa tent sa gitna ng init ng araw? Please be considerate.
“Opo mahal po ang swab fee pero di ibig sabihin nun na pwede niyo na kami ganituhin.”
Nagkomento rin siya sa Facebook page ng Olongapo SubicBay Batang Gapo News Center kung saan ni-repost din ang Twitter message ni Angelica.
“Wala naman po sa parking area ang Verification Window namin. Sana try din po nila pumila kagaya ng mga normal na tao since pare-parehas lang naman sila ng ibinayad.
“Ni hindi nga po sila bumaba (ng sasakyan) para magpa-verify. Kami pa ang lumapit sa kanila sa sasakyan.
“Anyways, salamat Ms. Angelica dahil na-aappreciate mo ang pagod naming mga frontliners. Next time time na magpa-swab ka, 12 midnight papasok na kami para antayin ka.
“Ay sorry, di pala ikaw ang magpapa-swab, yung kasama mo pero ikaw yung galit na galit,” sabi pa ng staff ng Red Cross Subic.
Nagbigay din ng kanyang pahayag ang isang direktor na si Direktor Darryl Yap tungkol s kumakalat na isyu. Sa kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin ang direktor dahil ang nasabing direktor ay taga Olonggapo kaya ganun na lamang ang kanyang pagka apekto sa naturang isyu.
“Sa totoo lang, nalulungkot ako. Ako, na isang Batang Gapo, pag nagpapa-swab sa Red Cross Subic, pinipilit kong tiisin yung init sa waiting tent nyo, sa sobrang init hindi na ko kumakain ng Andoks dahil alam ko na pakiramdam ng mga manok nila.
“Tapos may mababalitaan akong pwede naman palang magpasundot sa car; or sa artista lang pwede? Pag direktor kaya pwede sa motor?
“Kahit nanay-nanayan ko ang head ng SBMA—lagi akong sinasabihan ng SBMA Chairperson/Administrator Abe Connor, ‘Bakit anak? bakit ka uunahin? Sino ka ba? Lahat dapat sumusunod sa dapat! PUMILA KA! SUMUNOD KA!
“Alam mong ayaw ko ng ganyan. Di bale nang mainitan, ‘wag lang may malamangang tao! at dahil nga close tayo—MAS LALO KA DAPAT SUMUNOD, as a sign of your respect to me.’
“Momma, ayan ha. dapat sa car na ko swab next time. Charot.”
Sa huling bahagi ng kanyang post, nilinaw niya ang pinanggalingan ng kanyang isyu. “This post is actually an expression of disappointment sa Red Cross, dahil pwede naman pala sa car; hindi naman ako pwedeng madisappoint kay Angelica kasi desisyon naman ng Red Cross Subic na iswab siya sa car.”
Ipinost din ng direktor ang isang screenshot ng post ng isang doktor na si Dra G. Diretsahan na sinabihan umano si Angelica na mag sorry sa ginawang isyu laban sa Red Cross.
“You should make a public apology to all the staff of Red Cross Subic! You have no appointment, siningit ka lang.
“Pinuntahan pa kayo sa car to do the swab while yung iba, may appointment ay nakapila sa tent or nasa ambulance. Siniraan mo pa talaga yung mga taong tumulong sa iyo,” sabi ng doktora.
Source: INQUIRER
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment