Ang ginawa mong kabutihan ay nagbibigay talaga ng marka sa mga taong nakaranas at nakasaksi ng iyong kabutihan. Maaaring matagal nang nangyari ngunit ang alaala na iniwan mo sa isang tao, lalong lalo na ang kabutihan na ipinakita mo ay mananatili kailanman.
Isang nakakaantig puso na kwento ang nag viral sa social media sa isang guro na hindi niya akalaing ang kabutihang ipinakita niya noon ay susuklian ng kabutihan din.
Nasorpresa na lamang ang pamilya ng isang guro na si Virgie Roble dahil hindi sila halos makapaniwala na wala na silang babayaran sa operasyon ni Virgie sa Perpetual Succour Hospital kung saang ospital siya nagpapa opera.
Si Virgie ay isang dating guro sa isang high school sa Mandaue Cebu at kinakailangan siyang operahan dahil sa nabalian siya ng kanyang kanang kamay.
Kwento nila, nang mag tungo sila sa cashier para magbayad ng hospital bill, laking gulat na lang nila na nakatanggap sila ng sulat na isa pala si Virgie sa paboritong guro ng nasabing doktor na dati niya palang estudyante.
Labis pa silang natuwa matapos mabasa nila ang sulat na hindi na ito nagpapabayad ng professional fee dahil ayon dito 22 years ago na daw bayad ang guro.
“Dear Mom Roble,
Professional Fee - Paid 22 years ago (One of my favorite teachers)
Noong una ay hindi aakalain ni Virgie na ang akala ay reseta ay isa palang liham galing sa isa sa kanyang mga estudyante na sobrang malaki ang naging impact niya sa buhay ng doktor. At nanag mabasa na niya ang liham, halong iyak at galak ang kanyang nararamdaman.
Gustong pasalamatan ng guro ang kanyang estudyante at kaya naisipan na lamang niyang ipost ang kabutihang ipinakita ng doktor. Halos mangiyak ngiyak na lang siya nang kanyang napagtanto na ang estudyante niya noon ay doktor na pala ngayon.
Agad namang nag viral ang post ng guro at umani ito ng maraming magagandang komento sa kanyang pagiging maimpluwensya at mabait na guro na dahil sa taglay na kabaitan ni teacher Virgie ay may isang estudyanteng talagang nakakaalala sa kanya.
Isa ang mga guro sa malaki ang naiambag sa pagkamit ng ating mga pangarap. Sila ang nagsilbing daan upang tayo ay dahan dahang mamulat sa katotohanan at sa reyalidad.
Ganito na lamang ang nangyari sa isang estudyante na hindi talaga nakalimutan ang kanyang guro na nagpakita sa kanya ng kabutihan at kagandahang asal na siyang ginawa niyang inspirasyon para siya ay maging ganap na doktor.
Ito ay ilan lamang sa mga kwentong tiyak na marami ang ma i-inspire at marami ang mahihikayat na gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Pinaalala din ng doktor sa atin na kailangan din nating bigyang halaga ang mga tao na nagpakita ng kabutihan at nagbigay ng inspirasyon sa atin. Hindi natin makakalimutan ang mga taong tumulong sa atin nang tayo ay naghihirap.
Karaniwan sa mga ganitong pangyayari, hindi maipagkakaila na marami na naman sa atin ang makukumbinsi na gumawa ng kabutihan at matuto ring pahalagahan ang mga taong minsa’y naging malaking parte ng ating tagumpay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment