Sunday, May 2, 2021

Misis, Nag Viral Matapos Tanggalin Ang Kanyang Asawa sa Kanyang Facebook; ‘Buo na ang desisyon ko hindi ko siya i-accept sa Facebook’


Mutual friend ba kayo ng significant other mo sa iyong social media account? Aba’y dapat lang. Ngunit kakaibang kwento ang naitampok na naman ngayon sa social media matapos kabaliktaran ang nangyari sa real life couple.

Isang babae ang nag trending sa social media matapos ibinahagi niya sa kanyang post kung bakit hindi na sila friends ng kanyang significant other sa Facebook. 

Ang babae ay nagngangalang Nicole Joanne Meilat na nag viral ang kanyang post sa pag “unfriend” niya ng kanyang husband. Marami ang nagulat sa nangyari dahil ang pagiging “friends” sa Facebook ng mag-asawa ay kinakailangan lalong lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Ayon kay Nicole, palagi niya raw tina-tag sa post ang kanyang mister ngunit hindi an lang daw siya nirereplyan nto o  kahilt i-like man lang ang mismong post. Pero pagdating sa mga kaibigan niya ay panay daw ang kanyang likes at comment sa mga kanilang mga posts.

Labis siyang nasaktan sa ganitong uring pang i-ignore ng kanyang asawa.

Kaya naisipan na lang niya na i-unfriend ang kanyang mister sa Facebook para sa ikabubuti ng kanilang relasyon at ikatatahimik na rin niya dahil sa hindi pagpansin ng kanyang post.

Sobrang nagulat pa siya nang hindi agad na notice ng kanyang mister ang ginawang pag unfriend niya sa kanyang mister. Sabi niya, umabot pa ng ilang linggo bago pa niya nalaman na hindi na sila friends ng kanyang asawa. 

Pero sabi ni Nicole, sobrang maganda ng epekto sa ginawa niyang pang unfriend ng kanyang hubby sa social media. 


“And narealize ko sobrang unhealthy ng Social Media sa magpartner kailang scripted dahil alam mong may ibang nakakabasa. Yung tipong pag nag i love you ka, kailangan may mag i love you too. Ganon ka stressful haha!,” sinulat ni Nicole sa kanyang caption.

Noong narealize na ng husband niya ang ginawa niya, agad nag send ng friend request ang kanyang husband at tinanggihan niya ito. Kahit anong pilit ng kanyang mister na ikumbinse siya na i-accept siya sa Facebook, buo na ang desisyon ni Nicole na hindi.

Sabi ni Nicole, ang pag unfriend niya sa kanyang mister ay siyang nagsilbing daan para mas maging matatag pa ang kanilang relasyon. Dahil hindi na sila updated sa social media, mas nagkaroon sila ng intimate conversations sa bahay.

“To cut the story short, mas naging intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isa’t isa kahit magkasama kami sa iisang bubong,” dagdag ni Nicole. 

Ang social media ay ang pinakasikat na platfrom para magbahagi ng updates at makakuha ng mga trending na impormasyon. Ang Facebook ang siyang pinaka ginagamit ng lahat sa pag share ng mga memes, mga trending na videos at karagdagang impormasyon.

Marami s ating mga kabataan ngayon ang sobrang nahilig sa paggamit ng Facebook. Sa mga may karelasyon, ito ang pambansang platform na kung saan makikita ang mga mag jowa na itinatag ang kanilang mga mahal sa buhay sa isang post.

Nahiligan ng karamihan na i-mention ang kanilang mga jowa or asawa sa isang sweet post para lang iparating ang isang sweet message. Usong uso rin ang pag flex ng kanilang significant other sa mga “Stories at My Day.”


Kagaya na na lang sa nangyari sa mister ni Nicole na in-unfriend niya sa Facebook, hindi maipagkakaila na marami rin naman ang makaka relate dito. Ngunit pakatandaan lang na hindi basehan ang social media para ipakita ang pagmamahal. 

Source: rachfeed


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment