Tuesday, May 11, 2021

Mag-asawa, Pinalayas sa Inuupahang Bahay; Bubong ng Bahay, Binaklas!


Sa kasagsagan ng pandemya, malinaw ang sinabi ng palasyo na bawal muna ang paniningil ng renta dulot ng pagpapatupad ng quarantine rules at lockdown. Bibigyan muna ng palugit ang mga nagrerenta ng bahay at ipinagbabawal din ang pagpapalayas ng mga taong nangungupahan.

Ngunit para sa pamilyang ito, taliwas ang nangyari sa kanila. Sa isang nag viral na post ng lalaki na nagngangalang Edrhean Alpuente na ipinost sa Facebook group ni Raffy Tulfo in Action (Official Facebook Group), dito siya humingi ng tulong dahil sa nangyari sa kanila.

Sapilitan umano silang pinapaalis ng may-ari ng kanilang bahay na inuupahan at ang dahilan daw ay nabenta na ng may-ari ang bahay na inuupahan nila. 

Bukod sa sapilitan silang pinapalayas, ang masaklap pa ay pinabaklas niya ang bubong ng bahay kahit may mga tao pa sa loob ng bahay. Nabanggit din niya na sinabihan silang maghanap ng malilipatang bahay dahil kailangan niya itong ipaayos dahil nabenta na ang umanong bahay. 

Hindi makaalis at makahanap ng malilipatang bahay ang mag-asawa sa inuupahang bahay dahil wala silang pambayad sa renta. Dagdag pa niya, no work no pay rin ang kanyang asawa kaya ganun na lang ang kanilang sitwasyon. Walang wala talaga. 

Kitang kita rin sa video na kanyang ipinost sa Facebook na tumutulo ang malaki na patak ng tubig at hanggang sa naging malakas na ang pagtulo nito. Sa video, klarong klaro rin ang kanilang dalawang batang anak na 5 taong gulang at 2 taong gulang. 


“Tulungan nio po kami na mapaabot to kay sir idol raffy june 02 p nangyari to gusto tlga nmn pagbayaran yung may ari ng bhy s gnwa smin”, post ng lalaki na pinalayas sa kanilang inuupahang bahay.

Narito ang kabuuang post ng lalaki na pinalayas ng bahay sa Facebook group na Raffy Tulfo in Action (Official Facebook Group)

“Tama po ba to ginagawa samin porket benenta nya ang bahay nya at yung bahay na inuupahan nmn oraora nya ipapagawa ang sabi nya maghanap muna kami ng bhy n pwd malipatan at kunti kunti nmn kunin mga gamit nmin linggo nya un snbi pero kahapon bigla iba nnmn sinabi niya na kailangan n namin lumipt ksi maagang maaga daw papabaglas n nya yung bubong dahil ggwn nya anu mggwa nmn san kmi kukuha pang upa walang wla kami ngaun dahil sa pandemic at no work no pay lng asawa ko nagtaka lng kami magaswa yung s katabi nmn bhy ktulad nmn nangungupahn dn nagawan nya paraan saan ititira pagdating samin wala anu ibgsbhn nya tlaga pinapaalis n nya kami humihingi kmi ng tulong dhl ind n nmn alm ggwn nmn may 2 kami anak isang 5 years old isang mag 2 years sa june ii Pakishare nlng po salamat phi pkg4 blk69lot 4 bagong silang caloocan city.”

Marami ng ganitong mga pangyayari ang kumalat sa social media na mga posts para doon iparating ang paghingi ng tulong. Hindi maipagkakaila ng marami na nasa hirap na sitwasyon ang bawat isa sa atin dulot ng pandemya.

Mas naging mahirap ang sitwasyon ng mga umuupa lang ng bahay dahil sa panahon ngayon, marami ang nawalan ng trabaho at ang iba naman may trabaho pero no work no pay naman.

Matatandaang nagpatupad ng batas ang gobyerno na ipinagbabawal muna ang panghihingi ng renta sa sinumang nangungupahan lang.


Ngunit marami pa ring mga nagpapaupa ang pilit na pinapalayas ang mga nangungupahan. Ito ay isa sa mga halimbawa ng mga masamang epekto ng lockdown dulot ng pandemya. 

Source: furrycategory

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment