Hindi na bago sa mga Pilipino ang mga rtotoong kwento tungkol sa mga OFW (Overseas Filipino Worker) na hindi tinatrato ng maayos ng kanilang mga amo sa ibang bansa, lalo na ang mga OFW na nagtatrabahong domestic helper.
Kaya naman, ang mapunta sa may malasakit at mabubuting mga amo ay isang biyaya na maituturing.
Kagaya na lamang ng OFW na si Gemma Sotelo Sinogo. Sa 12 taon na pagtatrabaho ni Sinogo, 39 taong gulang, bilang isang helper sa Singapore, ipinagpapasalamat nito na maganda ang kanyang karanasan dahil sa kabutihan ng kanyang mga amo.
Dahil sa hirap ng buhay sa Pinas at dahil na rin sa pagiging isang single mother, mas pinili ni Sinogo na mangibang bansa para magtrabaho. Iniwan nito ang kanyang 2 anak at mga magulang kapalit ng magandang buhay na maibibigay niya sa mga ito sa Pilipinas habang siya ay nagtatrabaho sa Singapore.
Hindi maikakaila ni Sinogo na napakaswerte nito sa kanyang mga amo dahil sa sobrang bait umano at pagmamalasakit ng mga ito sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nagtagal ito bilang OFW at nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Pagbabahagi pa nga ni Sinogo, kahit umano sa gitna ng pandemya ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang sahod, maliban pa sa mga benepisyong kanilang nakukuha. Bago ito, tuwing taon ay pinapayagan din daw silang umuwi para magbakasyon sa Pilipinas.
Ipinagpapasalamat din ni Sinogo na naisama niya sa kanyang trabaho sa Singapore ang kanyang kapatid nang minsang maghanap ang kanyang amo ng kanyang makakasama.
“Full-time mother ako dati bago ako nag-abroad. Naisipan ko pong mag-abroad dahil sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang aking 2 anak at ang aking mga magulang. Single parent na po ako.
“Super bait po ng mga amo ko ngayon. Sa katunayan, nagpakuha sila ng kasama ko dito sa bahay at ‘yung kapatid ko ngayon ang kasa-kasama ko. Yearly nila kaming pinapauwi at lahat ng benefits ibinibigay nila sa amin.
“Sa katunayan, kahit helper ako, di kami naaapektuhan ng pandemic dahil tuloy pa rin ang aming sahod,” pagbabahagi pa nito.
Ngunit, ang pinaka-ipinagmamalaking naabot ng OFW dahil sa kanyang pagsisikap, at sa tulong na rin ng kanyang mabubuting mga amo, ay nang mapagawan niya ng sariling bahay ang kanyang mga magulang sa Pilipinas.
Hindi lamang ito isang ordinaryong bahay dahil nagawa ni Sinogo na makapagpatayo ng dalawang palapag na bahay para sa mga ito.
“Nakapagpatayo po ako ng bahay para sa mga magulang ko at dahil doon na rin nakatira ang 2 kong anak. On going rin ang pagpapatayo ng 2nd floor.
“Nagpapasalamat ako kahit malayo ako sa aking pamilya, naibibigay ko ang pangangailangan ng 2 kong anak at ng aking magulang,” ang ani pa ng OFW.
Ayon kay Sinogo, ang pagbibigay niya ng bahay at komportableng buhay sa kanyang mga magulang ay paraan niya rin umano ng pagtanaw ng utang na loob sa mga ito.
Alam ni SInogo ang paghihirap na dinaanan ng kanyang mga magulang para sa pagpapalaki sa kanila at pag-aalaga na rin sa kanyang mga anak kaya naman, kahit malayo siya sa mga ito ay pinagpapasalamat niya na nagkaroon siya ng magandang trabaho sa ibang bansa dahil ito ang naging susi para mabigyan niya ang mga ito ng magandang buhay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment