Wednesday, May 5, 2021

VIRAL: Netizen, Inulan ng Pambabatikos Matapos Gawing Kumot ang Watawat ng Pilipinas!


Kabi-kabilang pambabatikos ngayon ang natatanggap ng netizen na si MaRr Ventura sa Fcebook galing sa mga kapwa netizen matapos umano nitong bastusin ang watawat ng Pilipinas.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Ventura, makikita sa dalawang larawan ang mahimbing na natutulog na netizen kung saan, gamit nito bilang kumot ang watawat ng Pilipinas. Nakalatag sa katawan nito ang bandila at animo’y wala lamang para rito ang paggamit sa bandila bilang kumot.

Saad pa nga nito sa naturang Facebook post, ginaw na ginaw na raw ito kaya ‘wag raw siyang guguluhin habang natutulog. Tungkol naman sa paggamit niya ng bandila bilang kumot, mahal niya naman daw ang bandila at ang Pilipinas. 

“Kanang tugnaw na kaayo ka. Wag niyo akong guluhin matulog, mahal ko ang bandera koh… Philippines!” caption pa nito sa kanyang Facebook post.

[Iyong ginaw na ginawa ka na. Huwag niyo akong guluhin matulog, mahal ko ang bandila ko… Philippines!]

Ilang oras lamang mula nang ibahagi nito ang naturang mga larawan, umani na agad ito ng mga galit na reaksyon mula sa mga netizen. Bagama’t mayroong iilan na natawa sa Facebook post, nangibabaw pa rin ang mga lungkot at galit na netizen sa ginawa raw nitong pambabastos sa watawat ng ating bansa.


Kabi-bilang pambabatikos ang ibinato rito ng mga netizen gaya na lamang ng kawalang kaalaman umano nito sa nararapat na paggalang sa watawat ng bansa. Alam umano ng sinuman na hindi dapat ginagawang katatawanan ang watawat o ginagamit ito sa ibang mga bagay. 

Hindi raw nito pinag-isipan ng mabuti ang isang bagay bago gawin at ibahagi sa publiko. Dahil dito, mukhang wala umanong lusot ang naturang netizen dahil alam ng sinuman na isang malaking paglabag sa batas ang ginawa nito. 

Isa itong malinaw na paglabag sa Republic Act No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”. Pagbabahagi pa nga isang netizen tungkol sa batas na ito,

“The flag shall never touch anything beneath it, such as the ground, flood, water or other objects… Violators shall, upon conviction, be punished with a fine of between P5,000 and P20,000, imprisonment of not more than one year, or both.”

Ani nga ng iilan, siguradong sa kulungan umano ang bagsak ng naturang netizen dahil sa hindi nito magandang biro. Mayroon namang ilan na pabirong sinabing baka nakulong na raw si Ventura kaya hanggang ngayon ay wala pa ring update sa Facebook post o hindi pa ito nabubura.

Gayunpaman, kaugnay ng naging biro nito tungkol sa watawat, mukhang sa kulungan na umano nito maipagpapatuloy ang kanyang pagtulog nang walang istorbo.


Samantala, panay rin ang pagtawag ng atensyon ng mga netizen sa mga programa o mga personalidad na maaaring pagsumbungan ng naturang paglabag sa batas. Patuloy din na dumarami ang mga galit na komento ng mga netizen tungkol sa ginawa ng lalaki.

Sa ngayon, daan-daan na ang naaaning reaksyon ng naturang kontrobersyal na Facebook post pati na rin ang mga shares na nakakalap nito. Wala pang anumang balita tungkol sa kung ano ang ginawang aksyon sa lalaki kaugnay ng ibinahagi nitong Facebook post.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment