Nagluksa ang buong bansa nang hindi nakapasok ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe na si Rabiya Mateo dahil hindi halos matanggap ng lahat na sa Top 21 lang nakapasok ang kanilang pambato hindi sa Top 10.
Hindi nagpadaig si Rabiya sa pagrampa kasabay ang ia+ba pang mga beauty and brain co-candidates sa stage. Mas lalo pa itong ginalingan ni Rabiya dahil ramdam na ramdam niya ang init ng suporta ng mga Pilipino sa kanya.
Hindi nabigo si Rabiya na irepresenta ang Pilipinas dahil siya ay nakapasok sa Top 21 kasama ang iba pang mga deserving na mga kandidata.
Kasama sa Top 21 ay ang Colombia, Peru, Australia, France, Myanmar, Jamaica, Mexico, Dominican Republic, USA, Indonesia, Argentina, India, Curacao, Puerto Rico, Brazil, Great Britain, Nicaragua, Thailand, Costa Rica, VIetnam and Philippines.
Umuugong ang hiwayan maging sa social media ang pagpasok ni Rabiya sa Top 21. Malaki ang kanilang naging kumpyansa sa pambato ng Pilipinas na makarating ito hanggang sa Top 10 at sa susunod pang round.
Ngunit nabigo si Rabiya na pasukin ang Top 10. Mga bansang nakapasok sa Top 10 ay ang Thailand, Jamaica, Australia, Puerto Rico, Mexico, Brazil, India, Peru, Dominican Republic at Mexico in no particular order.
Hindi man nakapasok si Rabiya sa Top 10, marami pa ring mga tao ang nag congratulate sa kanyang naabot dahil sa kanyang determinasyon sa kompetisyon. Sobrang mainit pa rin ang suporta ng mga tao kay Rabiya.
Ilan sa mga tao na nagpakita ng suporta at pagmamahal sa ating kandidata kahit hindi siya nakapasok sa Top 10 ay ang mga former Miss Universe titleholders na sina Pia Wurtzbach at si Catriona Gray.
Sa post ni Pia, naglaan muna siya ng isang minuto para i-digest ang na announce ng Top 10 finalists. “Ok, I’m back. I needed a minute to digest that.”
"RABIYA WE LOVE YOU. "Thank you for pouring your heart for the Philippines.
We see your heart Queen. And reminding everyone to PLEASE BE KIND."
Kasunod naman nito ay nagpost din ang dating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray kung gaano ka intense ang competition at sunod naman niyang pinost ang kanyang mensahe para kay Rabiya.
Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 Year consecutive semi-streak Pilipinassss.”
Naging kontrobersyal ang pagkapanalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020 dahil sa umano’y mga akusasyon na unfair advantage sa pageant. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pambabatikos, marami naman ang mga sumuporta kay Rabiya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment