Sa kasagsagan ng pandemic, maraming kumakalat na mga investment firms sa online. Panibagong mainit na usapan na naman ang kalat na kalat ngayon sa social media matapos napag-usapan sa programa ni Raffy Tulfo ang hindi rehistradong investment firm.
Marami rami na rinng mga tao ang nahumaling na sumali sa isang investment firm dulot ng mga binibigay nitong mga benepisyo.
Inireklamo ang isang babae na nagngangalang Ingrid Arche, isang Tiktoker na siyang nagpatayo ng nasabing investment firm na tumatakbo bilang isang pyramid scheme.
Ang naturang firm ay tinatawag na IX TRADE/IXTRADE na kung saan marami ang dumulong sa programa ni raffy Tulfo sa YouTube para magsampa ng kani-kanilang mga reklamo at pang iiscam ng umanong kompanya.
Binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko na ang nasabing firm ay hindi rehistrado sa SEC. Isa lamang ito sa apat na firms na hindi dapat pagkatiwalaan dahil siguradong ma iiscam ang pera.
Lumapit ang limang netizens sa programang Tulfo upang doon ipahayag ang kanilang mga reklamo at matulungan sila ng programa. Ayon sa mga complaints, nagrerecruit ng mga tao si Arche at ang kanyang kapatid na si Crystal Arche para sa kanilang investment firm.
Dahil dito, nagsumikap din ang mga na recruit ni Arche na maka recruit din ng iba pang mga tao dahil ang istilo ng investment ay pyramid scheme. Kumbaga, the more you recruit, the more money will return to you.
Marami ang nadala sa investment kung gayun marami ring pera ang nailabas ng mga taong sumali sa investment na ito. Malaki rin ang perang nalikom ng magkapatid mula sa ipinatayo nitong investment firm.
Noong una naman daw ay maayos naman ang takbo ng kumpanya at marami ang napaniwala na talagang legit ito dahil sila ay mas kumikita ng malaking pera. Ang ginawang pang akit daw ng kumpanya ay mag-iinvest sila ng pera at 50% ang babalik sa kanila.
Tinanong n Raffy Tulfo kung saan daw kukunin ang tubo para totoong maibigay ang 50%. “Ang sabi po nila sa ano po, trading po,” sabi ng isa sa mga na scam. Nabanggit din niya na cryptocurrency sa isang stock market ang pinagkukunan nila ng trading.
Labis ang pagtitiwala naman ng mga biktima dahil kilala daw ang magkapatid at minsan na gumawa ng charity work. Ngunit nang kalaunan ay bigla na lang daw nawala ang magkapatid at dala dala ang pera ng mga nagrereklamo.
Sinabi ng isa sa biktima na nasa 35,000 members sila at kung pag-ipunin lahat ng pera aabot sa 200 milyon ang na scam ng magkapatid.
Sinubukan nilang kotakin at mag reach out sa magkapatid ngunit wala silang natanggap na sagot at hindi rin sinasagot ang kanilang mga tawag.
Humihingi na rin sila sa mga taong may koneksyon sa naturang firm at kontak ng magkapatid. At ilan sa kanilang mga nabanggit ay ay sina Junnel Bacuetas o Benjie Bitangol, King Sarmenta at Jezreel Atillano Garcia.
Sa sitwasyong ito, sinabi ni Tulfo na maaari nilang sampahan ng kasong swindling o estafa laban sa mga nagpapatakbo ng kumpanya. Ani ni Tulfo, maaari nilang ipadala ang kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) at ibahagi ang pang iiscam ng IXTRADE para magbigay ng kaalaman sa lahat.
Sa kasalukuyang panahon, marami ang nahihikayat na sumali sa tinatawag na investment na kung saan malaki ang magiging balik sa iyo na pera. Maaaring doble o triple sa ini-invest mo.
Ang programang Tulfo ay nagbigay ng paalala sa lahat na huwag maging masyadong kampante sa pagpasok ng kahit anong kumpanya tungkol sa mga investment firms.
Siguraduhin mo na ng mga may planong pumasok sa investment na lehitimo at rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) para masigurado na safe ang perang gagamitin sa pag i-invest.
Source: Happening Philippines
I have recently started a blog, the info you provide on this site has helped me greatly. Thanks for all of your time & work. buy tiktok followers
ReplyDelete