Hindi maitatanggi na marami ang naghihirap ngyaon dulot ng pandemic. Karamihan sa mga nagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya ay nagsara at dulot nito, marami ang nawalan ng trabaho.
Sa kabila ng kahirapan sa buhay, nakaktuwa pa ring isipin dahil meron pa ring mga tao ang nananatiling tapat at mabuti sa kanyang kapwa. Kahit na naghihirap na ng lubos, hindi pinairal ang pagiging mapagsmantala sa kanyang kapwa.
Sila ay mga halimbawa sa mga taong hibdi agad nasisilaw sa pera at nabibighani sa mga panandaliang yaman na hindi naman nila pinaghirapan. Kahit na may iba na hindi nakayanang mantailing tapat dulot ng kahirapan, nanaig pa rin naman ang kabutihan ng ilan.
Gaya na lamang ng itatampok natin sa isang nakakamanghang istorya na naman tungkol sa isa tricycle driver na nagpakita ng katapatan at nang dahil sa kanyang pagiging matapat ay umani siya ng gantimpala at pagkilala.
Ayon sa ulat ni Sandy Amaro sa isang pahayagan, kinilala ang isang mabuting tricycle driver na si Niño Clor na tubong Lucena City.
Ayon kay Niño, napulot niya ang bag ng kanyang pasahero na naglalaman ng kalahating milyong piso. Dagdag pa niya, ang nasabing bag ay naiwan ng kanyang pasahero sa loob ng kanyang tricycle.
Laking gulat ng tricycle driver nang makita niya ang nilalaman ng bag kaya agad niya itong isinauli sa kinauukulan. Dahil sa kanyang pagiging matapat, agad rin naman naisauli sa nagmamaya-ari ng bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.
Nakilala ang may-ari na isa palang negosyante sa Poliio Quezon at ang perang naiwan niya sa tricycle ay ang kita pala niya sa kanyang negosying pagkokopra. Kaya labis na lamang ang kanyang pasasalamat kay Clor na hindi nagdadalawang isip na ibalik sa may ari ang bag na may lamang pera.
Natuwa ang negosyanteng sa katapatang ipinakita ni Clor kaya ginantimpalaan siya ng cash na Php 5,000 ng Sangguniang Barangay ng Cotta, Lucena City at ginawaran pa siya ng parangal bilang pasasalamat sa kahanga-hangang ginawa ni Clor.
Ayon kay Clor, bukod sa gantimpala at parangal, laking bagay na ang pagbigay ng pagkilala sa kanya sa kabutihang kanyang ginawa. Natuwa siya sa mga pagsaludo, papuri at paghanga sa kanya ng kanyang mga ka-barangay, kaibigan at ng kanyang pamilya.
Dagdag pa niya, ito sana ay maging inspirasyon sa lahat na huwag tayo agad masilaw sa pera na hindi naman natin pinaghirpan. May mga tao na ibinigay ang dugo at pawsi para lang makuha ang ganun kalaking halaga.
Marami ang namangha sa ginawa ng isang tricycle driver. Ito ay isa sa mga kwentong nakakaantig sa puso ng mga netizen. Pintunayan ni Clor na may mga tao pa rin na mananatiling mabuti lalong lalo na sa panahon ng pademya.
Ang pagiging matapat ay kailangan ng isang ato upanng ang lahat ng mga gawi ay nasisiguradong nasa mabuting paraan.
Kung iisipin, napakalaking halaga na ng kalahating milyon ngunit hindi nagpadala ang tricycle driver sa kung ano ang pwedeng ibigay sa kanya ng pera kundi kung ano ang dapat at para mas makapagbigay pa ng inspirasyon sa nakararami.
Ang pera ay mas masarap gamitin kapag hindi sa panandaliang paraan mo lang ito nakukuha.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment