Viral ngayon ang isang Filipina Domestic helper na umamin nagnakaw siya ng $14.6 milyong halaga ng mga alahas, gold bars at iba pang mga mamahalin at valuable na mga bagay mula sa kanyang wealthy employers sa Deepwater Bay sa loob ng 14 months mula June 2018 hanggang August 2019.
Ang suspek ay kilala sa pangalang Carmelita Nones, pamilyado na tubong taga La Union. Inamin niya ang lahat ng 16 theft charges na ipinataw laban sa kanya matapos siya umapela sa Eastern Court noong June 7.
Ang kanyang pamangkin na si Maricris Nones at ang kanyang kaibigan na si Cristina Alagna inamin din na guilty sila to acting bilang tagapag alaga at taga hawak ng lahat ng mga ninakaw ni Carmelita.
Inadmit ni Maricris ang four counts sa sa kanyang paghandle ng mga ninakaw na gamit at six counts naman para kay Alagna.
Silang tatlo ay ibinalik sa custody hanggang sa kanilang sentencing sa Court of First Instance. Si Magistrate Daniel Tang ay nag set ng transfer hearing ng kaso sa Eastern Court ngayong June 9.
Under ng Hong Kong laws, ang maximum sentence para sa kaso ng theft ay aabot hanggang 10 taong sa kulungan.
Isa pang naakusahan ay ang kapatid ni Carmelita na si Marina G. Biala. Ngunit ito ay nagplead ng not guilty sa paghawak at paghandle ng mga ninakaw na gamit kaya ang kanyang kaso ay ipinadala sa District Court para sa trial.
Sinabi ng mga pulis na may nakita silang bag na parte ng mga ninakaw na gamit ni Carmelita sa bedroom umano ni Biala sa panahong sila ay nag conduct ng ‘search’ sa employer’s house.
Ang bag ay naglalaman ng mga alahas-- bracelets, kuwintas, 14 pairs ng earrings at mga singsing na nagkakahalaga ng mahigit $120,000 at iba pang mga jewelry pieces na nagkakahalaga din ng $3,000 bawat isa.
Matapos tinawag ang apat na defendants sa courtroom ngayong araw, ang kanilang mga abogado na pinangungunahan ni barrister Oliver Davies. Sinabi niya na si Nones at Alagna na silang dalawa ay mag plead guilty at si Biala ay mag plead ng not guilty.
Inamin naman ni Carmelita Nones na nagnakaw siya ng nasa 200 jewelry pieces, gold bars at may cash pa galing sa kanyang mga employers, New World Development executive director David Liang at kanyang asawa na si Elaine.
Nagnakaw din siya ng assortment of jewelry-- eight necklaces, bangles, 16 pairs of earrings, 1 bracelet, 50-gram gold bar at 10-gram gold bar na pagmamay-ari ni Mrs. Liang.
Noong June 27 hanggang August 11, 2019, kinuha din niya ang dalawang Piaget luxury watches na nagkakahalaga ng $100,000 bawat isa na pagmamay-ari ng Liang couple.
Sa third charge na na cover ang period between June and December 2018, nagnakaw si Nones ng necklace, 2 bangles, 7 pairs of earrings and 1 bracelet na pagmamay-ari ni Mrs. Liang.
Mula September 4 hanggang December 2018, nagnakaw siya uli ng 23 necklaces, 3 bracelets, 2 bangles, 2 pairs of earrings, 11 pendants, 5 rings, various jewelry pieces na nagkakahalaga ng $3,000 at cash na $4,000.
Mula June 3, 2018 hanggang Feb. 11, 2019, nagnakaw ulit si Nones ng 6 necklaces, 9 bangles, 6 rings at 4 pairs of earrings. Nitong May 13 at June 2018, nagnakaw uli siya ng 3 bangles, 7 bracelets, 2 pairs of earrings, 3 rings, 1 single earring at iba pang 4 jewelry pieces.
Kung bilangin lahat at kompyutin ang lahat ng mga ninakaw ni Nones, nagkakahalaga ito ng $14.6 milyon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment