Mayaman ang Pilipinas pagdating sa mga natural resources kaya ganun na lamang ang pagnanais ng mga dayuhan na sakupin ang bansa. Dulot ng pagnanais na sakupin ang bansa, maraming mga lumang alamat ang mga pasalin salin na kwento ang umusbong.
Madalas kasama sa istorya ang mga lumang alamat tungkol sa mga kayamanang itinatago sa mga vault o treasure box at inilibing sa malalim na hukay sa kanilang bahay o kahit saan pwedeng itago ito na safe at iilang tao lamang ang pwedeng makaalam.
Marami na ang kumalat na kwento tungkol sa mga kayamanan na nadiskubre na aksidenteng nahukay ng mga tao. Ito ay pinaniniwalaang nanggaling pa sa ating mga ninuno.
Hindi lang sa Pilipinas usong uso ang mga ganito kundi pati na rin sa ibang bansa na naniniwala ring may nakatagong kayaman sa mga lupian dahil may mga nauuna pang nabuhay sa atin sa mundong ito.
Katulad na lamang ng nangyari sa grupo ng mga construction workers na ito na nadapa sa isang lumang vault. Hindi nila alam na ang laman ng vault ang makapagpabago pala ng kanilang buhay.
Sa isang video na nag trending online, isang grupo ng mga construction workers ay makikitang may dala-dala na lumang vault sa loob ng bahay.
Kitang kita sa video na nahihirapan silang buksan ito kahit na pinukpok na nila ito ng napakaraming beses. Ang lock vault ay masasabing matibay talaga at hindi kayang buksan ng isang tao lang. Nahirapan ang mga construction workers na buksan ang vault para malaman na ang nilalaman nito.
Sinubukan nilang buksan ang itaas na bahagi nito gamit ang circulating saw. Ilang beses rin nila itong ginawan ng paraan para lamang mabuksan ang nasabing vault hanggang sa nakita nila na nagkaroon na ito ng maliit na puwang.
Ang nakitang puwang ay kasiya umano ang isang kamay na pwedeng ipasok sa loob para makakuha ng bagay o kung anuman ang nilalaman sa nasabing vault.
Una nilang nakuha ay ang mga sandamakmak na mga paper bills na nagbubuklod. Ngunit sa mas malalim na bahagi, doon na nila nakita ang isang bareta ng kumikinang na ginto. Hindi lamang isang bareta ang kanilang nakita, kundi marami pa.
Ang mga pangyayaring ito ay hindi kapani-panibago. Marami na ang mga naiulat na ganitong mga klase ng mga pangyayari na hindi aakalain ng marami na may ginto at kayaman pala sa paghuhukay.
Ito ay hindi nangyayari sa lahat o maaaring maranasan ng lahat ngunit maswerte ang mga taong nakaranas at nabigyan ng pagkakataon na makahukay at makahawak ng isang tunay na ginto at hindi lamang basta-bastang mga ginto.
Maaaring ang ginto na nahukay mula sa mga lupain kung saan itinatago ng mga sinaunang tao ngunit pakakatandaan lang na walang mabilis na paraan sa pagkuha ng ginto. Ang iba ay naging maswerte lang at ang iba naman ay pinaghihirapan talaga.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment