Popular na popular ngayon ang Korean group na BTS sa buong Pilipinas. Marami sa ating mga Pilipino lalong lalo na sa ating mga kabataan na nahuhumaling sa grupong ito.
Kahapon lamang ay dinagsa ang isang kilala g fast food chain na McDonald's dahil sa pinauso nitong BTS meal na kung saan marami ang nag order nito.
Ang pag-order ng BTS meal ay maaaring online o pupunta mismo sa fast food chain. Dahil sa ipinatupad na safety protocols, marami ang pinili na mag order nalang online.
Dumarami ang mga food delivery rider dahil sa dumadagsang BTS fans na bumibili ng BTS meal para pagbigay pagsuporta at pagkilala sa kanilang idolong Korean BTS group.
Sa isang BTS meal, may 10 pieces na chicken McNuggets na may limited edition na sauce in canjun at sweet chili, medium Coca-Cola and medium fries na nakabalot sa BTS wrap (BTS signature purple packaging) na nagkakahalaga ng Php 260.
Ngunit may ilan sa mga food delivery riders ang hindi nagustuhan ang pagbuo ng BTS meal at ang parami pang mga BTS fans. Dahil trabaho nila ito, kailangan nila itong gawin para sa mga BTS fans.
Katulad na lamang ng pangyayaring ito na isa umanong delivery rider ang hindi na nakapagpigil na sabihang OA ang kanyang customer matapos sa ilang mga reminders nito.
“Kuya bawal mo itupi bawal mo malukot kailangan straight lng ingatan mo yan kuya basta straight dapat yan,” tugon ng kanyang customer sa food rider.
”Di ako basher hahaha medyo nainis lng ako first ride ko tas ganyan mga pinagsasabi. Grabe nmn arte nyan “sa isip isip ko wag ko na kaya hawakan” tsaka dat di na sila nagpa order kung ganun sila nalang bumili,” sabi ng food rider.
Sa ulat ng ABS-CBN, sinuspende na ng Grab Philippines ang ilang delivery partners na tinatawag na "bts biot" ang Kpop group na BTS.
Marami na naman ang nagbigay ng kanilang komento ukol dito. Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen.
"It's not about ARMY being balat-sibuyas, it's about presumably straight men using the word "bakla" as an insult. Hindi na dapat insulto ang salitang 'yun.
Pero tama rin ang point ng iba, sana hindi masyadong harsh ang suspension sa mga Grab Drivers kase hanapbuhay din nila, it's not like they killed someone!"
"Jusko! Ang babaw naman. Lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon. Dahil lang sinabihang 'biot' suspend agad? Ilang pamilya ho ang gugutomin nyo? Nilalamon na kayo ng mga Iniidolo nyong Koreano" 🙄😥
"Celebrating riders suspension is not nice. You don't know what they are going through with that kind of job. Maghapon sa kalsada umaraw or umulan. It's pandemic everyone is struggling to make a living to make ends meet. Sooner guys you'll have your own family to feed... Those riders, yes, may mali sila. But come to think of it guys pag na fake booking sila, pag na ho hold up do you think they are getting enough support or actions from grab? NO. But you know what they are doing, crying in silence... then kinabukasan byahe ulit and leave it all to God... This is too much. This will be fair I think if grab will give the same protection or treatment to their riders."
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment