Kulungan ang kinahahantungan ng isang nag viral na 18 taong gulang na lalaki matapos nagpanggap na isang pulis habang suot suot ang uniform ng Philippine National Police (PNP) sa Cebu City.
Ang grupo ni Police Corporal Ruben YbaƱez at Patrolman Gamalili Yanib ng Carcar City Police Station ay ginagawa ang kanilang daily ronda noong Martes, Hunyo 8, 2021.
Sa sitio Cambuntan, sakop ng Barangay Bolinawan sa siyudad ng Carcar ay nag roronda sa panahong iyon habang sila ay nagpatuloy sa kanilang pagroronda, nakita nila ang isang lalaki na palakad lakad lang sa daan.
Suot suot nito ang athletic attire sa PNP. Maniniwala na sana si YbaƱez at Yanib na totoong pulis talaga ang binatilyo na nagngangalang Rory Joab Jumawan sa Barangay Parian sa siyudad ng Cebu.
Ngunit nang tiningnan ni YbaƱez ng maigi ang sapatos na suot ni Jumawan, hindi siya sapatos na pang attire talaga ng PNP. Dito na nagsimulang magduda na kung totoong miyembro ba talaga si Jumawan sa kanilang organisasyon.
Inimbita nila si Jumawan sa estasyon para tanungin at alamin kung totoo ba talaga na sakop siya ng PNP organization. Dito na napag- alaman na malaking peke at hindi totoo na isa siyang miyembro ng PNP. Si Jumawan ay isang pulis-pulis lang.
Bukod sa athletic uniform na suot ni Jumawan, nakuhanan pa siya ng isang de kalibre na 9mm na armas na isa ring replica kasabay na rin ang kanyang face mask at tube mask na may markang PNP.
Kasalukuyang nasa kulungan ang suspek kasabay haharapin ang kasong ipinataw sa kanya. Ilan sa mga naging kaso ng binatilyo ay ang Violation of Usurpation of Authority dahil sa pagsuot sa uniporme ng pulis na nalamang pekeng pulis pala.
Maraming mga netizen ang hindi nakapagpigil na magbigay ng kanilang komento. Marami ang natawa sa ginawang pagpapanggap na pulis ng binatilyo.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen sa naturang post:
“Attempted PNP”
“Attempted use of proper uniform”
“Nag-aral ka sana ng Criminology tapos take ka ng Eligibility”
“Cosplay went wrong”
“Attempted pulis ang kaso nyan”
“Frustrated PNP”
Marami naman ang naawa sa binatilyo dahil hindi naman daw umano ito dapat kailangan i judge agad dahil hindi alam ng ibang tao kung ano talaga ang dahilan ng pagpapanggap niya bilang pulis.
May iba na nagsasabing sayang si Jumawan dahil may malaking potensyal pa naman na magiging mabuting pulis balang araw. Kung marami ang natuwa, marami rin naman ang hindi natuwa sa naturang post.
Ika ng iba sa mga komento, yung iba ngang totoong pulis ay nakuha pa ngang pumatay ng isang tao ngunit hindi naman umabot sa kulungan. Kinasuhan lang pero hanggang doon lang din naman.
Ngunit kapag ang nagkasala ay isang ordinaryong tao lang, pilit inuungkat ang kahit pinakamaliit na kasalanan o mga violations para lang mapatunayan nagkasala talaga ang isang tao.
“Dapat maging professional din tayo mga Pilipino na SA GANITONG SITUATION dapat kc ganitong situation d nman dapat natin e judge, bata pa sya na siguro gusto talaga nya maging police at i thanks isa sya na may karamdaman na kailangan intindihin ,yon nakikita ko sa picture,piro mali ito sa ginawa din ng pnp kung saan man kc alam ko dapat nagiging konpidinsyal yan bakit need na e post dapat eh parang sinira din ng pnp ang dignidad ng civilian alam siguro malalaman naman nila ang situation ng tao sa imbistigador palang nako kawawa,” komento ng isang netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment