Matapos ang naging viral na “crispy fried towel” na kinasasangkutan ng isang sikat na fast food chain dito sa Pilipinas, nag trending ngayon ang isang video ng isang customer na nag order umano sa Jollibee ng “crispy fried towel.”
Sa isang nag viral na video, kitang kitang ang pagka confuse ng isang food crew sa Jollibee matapos mag order ang isang kilalang TikToker na may TikTok handle na @lolliqueen o mas kilala bilang Lollipop Queen.
Sabi umano ng customer na gusto orderin nito ang pinakabagong Jollibee menu na “crispy fried towel” at sa naturang video, kitang kita ang pagkalito ng crew sa drive-thru.
Makikita sa mukha ng crew na inosente at parang walang kaalam alam sa ibig sabihin ng customer sa kanyang nais i-order.
Nang kumalat ang nasabing video, marami ang hindi natuwa sa ginawa ng TikToker. Hindi siya nakaligtas sa mga pambabatikos ng mga netizen sa kanya. Tinira siya ng mga negatibong mga komento.
Sa Facebook, kalat na kalat ngayon ang isang 24-second clip ng nasabing TikToker at marami ang hindi natuwa sa kanyang pagiging insensitive. Ani ng marami hindi nakakatuwa ang napili niyang content para sa kanyang Tiktok video.
Heto ang mga naging komento ng mga netizen sa naturang post ni Lollipop Queen:
“You can’t buy class. This woman is the best example.”
“Kawawa naman si kuya crew seryoso din sumagot na wala sila nyan.”
Ang naturang video ay kasalukuyang bunura at ang nasabing TikToker ay inilagay ang kanyang account sa private setting.
Kamakailan lang ay kalat na kalat sa social media ang ilan sa mga post ng mga netizen tungkol sa kontrobersyal na isyu tungkol sa isang “towel fried chicken” na inireklamo ng isang na kinasasangkutan ng katunggali nito na Jollibee.
Patuloy pa rin pinag-uusapan ng mga netizen ang kontrobersyal na isyu ng Jollibee matapos ang nag viral na post ng isang netizen na mabilis kumalat ang kanyang post tungkol sa kanyang pagrereklamo sa order niya mula sa Jollibee.
Sa post ni Alique Perez, ibinahagi ni Alique ang larawan at video na nagpapakita ng sa halip na fried chicken ay “fried towel” ang nakuha niya sa kanyang inorder sa Jollibee.
“Just something that frustrated me this late.We had Jollibee delivered by grab. Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel.”
“This is really disturbing...How the hell do you get the towel in the batter and even fry it?!? Yung totoo?’
“I really thought that the post complaining about weird stuff in their orders were just all made up, now I know that it really happens! So disgusting and embarrassing...to think that you’re even branched in BGC. There’s a first for everything. And this has been the worst first!”
“Calming myself down for this...But WTH.”
“Now I can’t even think of the other chickenjoys na kasama while frying this. Having the same oil for how many hours after frying this FRIED TOWEL.”
“Ano po kaya kasabay ng mga chickenjoy natin? You may get your chickenjoy pero baka may kasabay nang towel. The essence of the towel contaminated the oil and the batter from the supplier so how many chickenjoys are affected? We won’t know…”
Hindi naman ito pinalampas ng nasabing branch at agad sila naglabas ng kanilang statement laban sa isyung ipnataw sa kanila.
“This concerns the customer complaint on food ordered late evening of June 1 from a franchised store in Bonifacio Global City. We are deeply concerned about this matter and have conducted a thorough investigation on the incident. It is unfortunate that deviations from Jollibee’s standard food preparation procedures occurred on the part of certain personnel of the store.
Ipinag utos din nito ang pansamantalang pagsara ng branch alinsunod sa patakaran at batas.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment