Viral ngayon sa Facebook ang ibinahaging post ng isang netizen na nagbigay babala tungkol sa paggamit umano ng hot water bag. Ayon sa netizen na si Star Valdez, dahil sa paggamit umano niya ng hot water bag ay napaso at namaga ang braso nito.
Bagama’t ang disenyo umano ng hot water bag ay para lagyan ng mainit na tubig, salungat dito ang nangyari nang minsang gumamit nito si Valdez. Dahil raw marahil sa sobrang init na nito ay bigla na lamang umanong pumutok ang hot water bag na inilagay noon nito sa kanyang balikat.
Matapos lagyan ng mainit na tubig ay inilagay umano nito sa kanyang balikat ang hot water bag ngunit, bigla na lamang itong pumutok, dahilan para bumuhos sa kanya ang mainit na tubig at mapaso o mamaga ang kanyang balat.
Paglilinaw pa ni Valdez, wala umano itong ibang ginawa sa hot water bag gaya ng pagdagan dito na maaaring maging sanhi ng biglang pagkapunit ng gilid nito. Bigla lamang umano itong pumutok kaya iniinda nito ngayon ang sakit na dulot ng pagkabuhos ng mainit na tubig sa kanyang balat.
“Mag-ingat sa hot water bag, biglang pumutok sa shoulder ko. Ipinatong ko lang ‘yan, nabuka na ang gilid. At take note, di po ‘yan nadaganan. Sadyang nabuka po siguro sa sobrang init or else sa tagal na. I’m in pain,” ani pa ng netizen.
Matapos magviral ang kanyang post ay ilang mga netizen naman ang agad din na nagbahagi ng kanila din umanong karanasan sa paggamit ng hotawater bag kung saan, minsan na rin umano silang nasugatan sa paggamit nito.
“So true! It also happened to me when I had to put it on my swollen foot!!!” pagbabahagi pa ng isang netizen.
“Pighati talaga naranasan ko na ‘to isang beses kasi after ko ilagay ‘yung pinakulong tubig, sinarado ko agad ‘yung takip. Edi ayon,” dagdag ani naman ng isa pa.
Ngunit, maliban dito ay ilang mga netizen din ang nagbahagi ng komento na baka raw mali ang paraan ng paggamit ni Valdez sa hot water bag kaya ganoon ang nangyari. Baka raw sobrang init ng tubig na iniligay nito at agad niya pa itong nilagyan ng takip.
Ayon sa mga netizen, sa paggamit raw kasi ng hot water bag ay hindi dapat sobrang init ng tubig o mainit na tubig lahat ang ilagay rito. Siguraduhin din umano na huwag ito agad tatakpan dahil malaki ang tyansa na lulubo ito at masisira.
Heto nga ang ilan pa sa mga komentong ito na iniwan ng mga netizen sa naturang viral post:
“Kami konting mainit lang tapos hahaluan ng tubig na malamig. ‘Yung tamang init lang, ‘yung kaya ng balat mo lang... Parang pampaligo lang. Baka purong mainit nilagay mo.”
“Masyado sigurong mainit ang tubig at puno ang hot bag tapos lumobo ang hot bag dahil sa steam pressure kaya pumutok.”
“Possible na boiled water po yung nilagay niyo? So may tendency po talaga na masira siya.”
“Pag sinabi kasing hot compress, hindi naman dapat na kakukulong tubig ang ilagay. Pwedeng 70 percent na mainit at 30 percent na warm.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment