Thursday, June 3, 2021

Resto Owner, Binigyan ng Trabaho ang Isang Lalaking Pulubi Ngunit Labis Siyang Nagulat sa Naging Kapalit Nito


Kakaibang istorya na naman ang naitampok ngayon sa social media na talagang hinahangaan ng marami dahil sa nakakaantig na kwento. Naantig ang puso ng maraming netizen matapos kumalat ito sa social media.

Nag-ugat ang istoryang ito sa isang pulubi na laging tumatambay sa isang restaurant. Kung saan nabigyan ng pagkakataon ang pulubi ng oportunidad na makapagtrabaho ng mismo ng may-ari ng nasabing restaurant.

Ayon sa ibinahaging post ni Cesia sa social media matagal na pala niyang napansin at nakikita ang pulubi na laging nakatambay sa lang sa kanyang restaurant. At nang minsan niya itong kinausap, dito niya nalaman ang dahilan ng pagtambay nito at bakit hindi na lamang naisipang maghanap ng mapagkakakitaan o trabaho.

“He came in to the cafe one day asking me for some $$. I looked at him and asked him “why don’t you have a job, you know nothing is given to me for free right?” he said “Well, I have a lot of felonies and no one wants to hire me for that, so now I had to turn myself to the streets and get money the only way I…”, post ni Cesia.

Matapos tanungin ng may-ari ang nasabing pulubi, tapatan namang sinagot nito na wala masyadong nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makapagtrabaho lalong lalo na sa mga taong kagaya niya. At dinagdagan din niya na dahil sa hindi magandang records nila noong nakaraan. 


Sa kanilang patuloy na pag-uusap, dito napagtanto ni Cesia na na bigyan ng pagkakataon na bigyan ng trabaho ang lalaking pulubi dahil nakikita naman umano ng may-ari na kayang kaya gawin ng lalaki ang ibibigay ng trabaho at nakikita niyang maaasahan din niya ang lalaki.

Dagdag pa ng may-ari, tamang tama daw dahil kulang sila sa tao. Kailangan pa ng additional staff ang kanyang restaurant.

“I was short staffed that day,” sabi ng may-ari.


“So I asked him, ‘You want to work? I have a job for you!’ His eyes opened wide and his smile made my day!!!! He said, ‘I’ll do anything for some food.’”

“So now for almost 2 weeks he been on time for his two hour shift… helping take trash, washing dishes, etc.”

Matapos niya binigyan ng trabaho ang lalaki, nakikita naman ng may-ari na masipag ito sa kanyang trabaho at kaya ginawa siyang regular na trabahador sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuan.

Hindi naman inaasahan ng may-ari na sa tuwing sweldo na ng pulubing lalaki ay palagi itong bumibili ng pagkain mula sa may-ari ng restaurant na nagbigay ng trabaho sa kanya at nagpabago sa kanyang buhay.

Once I pay him, guess what he does? He buys food from my restaurant (HE DECIDES TO PAY) because it makes him feel good!”


Tunay ngang kahanga-hanga ang istorya ng pulubing lalaki at ang kabutihan din na dulot ng may-ari ng restaurant ng kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuhan.

Nakakamangha lang dahil may mga tao talaga na handang tumulong sa kung sino man ang higit na nangangailangan. At sadyang nakakatuwa lang din na may mga tao rin na hindi sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanila at marunong ding magtanaw ng utang na loob. 

Source: pinoytamil


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment