Trending na trending ngayon ang unkabogable star na si Vice Ganda matapos ang kanyang bwelta sa mga nanay tungkol pagkakaroon ng anak na bakla.
Kamakailan lang ay hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang word na "kahit" sa paglalarawan ng mga nanay sa anak nilang mga beki.
Sa kanyang Twitter account, pinalagan ng TV host at comedian ang paggamit ng ilang magulang sa salitang “kahit” sa paglalarawan ng kanilang mga anak na beki.
“VERY WRONG! Proud ako KAHIT na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko KAHIT na bakla.
PERPEK! Proud ako na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko na bakla. Walang kahit kahit!” ‘Yan ang tili ni Vice Ganda.
Sa isang segment sa “It’s Showtime”, ang “Reina Ng Tahanan”, kinorek ni Vice Ganda ang isang madir na may anak na bading.
“Proud ako kahit ganyan siya. Proud na proud bilang nanay, proud na proud talaga ako sa kanya,” say ng madir.
“Hindi proud kahit ganyan siya. Proud ka na ganyan siya,” pagkontra naman ni Vice.
“Actually i-correct na natin ‘yun, ha, once and for all. Siguro hindi naman sinasadya or hindi naman sila aware na, laging sinasabi, ‘proud ako kahit ganyan ka’, pertaining ‘pag ‘yung mga anak ay bakla o tomboy or lesbian or transgender, o ano mang LGBTQ,” sabi ng unkabogable star na si Vice Ganda.
Bwelta ng komedyante, hindi raw sapat na sabihin lang ang salitang "kahit" sa kanilang anak na beki. Ang dapat daw ay ipinagmamalaki nila at suportado nila ang kanilang anak kahit ano pang kasarian nito.
Ngayon pa lang simulan na natin ‘yung mga little steps na in-normalize natin at tanggapin natin na walang mali sa bakla, tomboy, trans, lesbian, queer, sa LGBTQIA+ community,” sabi ni Vice.
Matatandaang si Vice Ganda at Ion Perez ay in a relationship ngayon. Maraming naging mga critics at puna ang mga netizen na pineperahan lang ni Ion si Vice.
Ngunit, nilinaw ng celebrity couple na pawang walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis. Minsan pa nga nitong ibinahagi ang naging banat ng kanyang nobyo sa "Its Showtime."
Si Jose Marie Borja Viceral o mas kilalang Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, aktor at TV host. Kinilala na rin si Vice sa kanyang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at dito ay mas lalo pa siyang sumikat.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment