Sa panahon ngayon, maraming mga kumakalat na mga posts sa social media ang nag trending dahil sa mga nakakamanghang relationship goals ng mag dyowa. Maraming mga long term relationships na rin ang naging successful at humantong talaga sa kasalan.
Ngunit talagang magkaiba talaga ang istorya ng bawat isa sa atin dito sa mundo. Minsan akala natin na ang natagpuan nating tao o ang tao na karelasyon natin ngayon ay siya na talaga ang siyang makakatuluyan natin habang buhay.
Sa sitwasyong kampante ka na at parang wala na talagang makapaghihiwalay sa inyo, ito yung pinakamasakit nang malaman mong pinagpalit ka na.
Ang pinakamasakit pa rito ay ikaw ang nauna ngunit siya ang wakas. Ikaw yung nagtagal pero hindi naman pala aabot sa kasal.
Katulad na lamang ng isang babae na nag post ng kanyang nakakalungkot na love story niya at ng kanyang long time boyfriend.
Sa isang post ni Rish Santa Ana Mateo sa kanyang Facebook account, dito niya ibinahagi kung paano siya pinagpalit ng kanyang fiancé sa ka duo lng ng kanyang partner sa larong Mobile Legends.
Kwento ni Rish, parehong nasa Sadi sila at ang babae na ipinalit sa kanya ay nasa Kuwait. Dalawang linggo lang silang nag video call at tila nahulog na ang loob nila sa isa't isa.
Ayon pa kay Rish, ikakasal na sana sila ng kanyang long term boyfriend. At engage na sila ng anim na taon na. Kumpleto na sana ang gamit nila para sa kasal ngunit nasayang lang talaga ang lahat.
Nabanggit pa sa conversation nila ng babae na binigyan siya ng long time boyfriend ni Rish ng isang singsing at sabi ng babae na committed daw siya kapag may lalaking magbibigay sa kanya ng singsing, parang engage kumabaga.
Sa kanilang naging conversation, tinanong ni Rish kung may iba na ba. Inamin naman ito ng kanyang long time boyfriend at sinabi nito na nahulog na siya sa naging kaduo niya sa ML.
Basahin ang buong post ni Rish Santa Santa Ana Mateo sa kanyang Facebook account:
"PAUBAYA/PINAGTAGPO HINDI TINADHANA
6 years pinagpalit sa 2 weeks ka videocall at ka duo sa ML💔
Nasa Saudi kami pareho ni boy at si girl ml player nasa Kuwait pero yon ang pinili.
Sana maging lesson to na wag na ninyong patagalin kadalasan sa ngayon patagalin ka saka ka itchapwera(depende sa loyalty at pagmamahal ng tao).
Buwan nalang ikakasal na kami.Ako nagdesigned ng gown para walang kapareha.
6 years kaming magka relasyon pero dahil nga may mga panahong nagkakamali ako pero napapatawad nya naman.
Di perpektong babae,aaminin ko naging rebelde ako minsan kasi may mga bagay na alam kong kaya niyang ibigay pero di nagagawa.Never ko naranasan ang bigyan ng bulaklak at singsing pero sobrang sakit may pa commit na si new gf ng singsing(assurance like kasal)💔
Naiintindihan ko naman kahit lagi kaming nagtatalo.Sabi ko buwan nalang naman ikakasal na kami sa Pilipinas doon ko antayin yong engrandeng kasalan.Pero di pala ako yong papakasalan sa iba nagpa singsing at jewelry.
I asked him:May bago naba?he answered wala at wala akong balak maghanap kasi mahal na mahal kita.
Nagtanong ako ulit bakit biglang nakipag hiwalay dahil ba may kagalit ako sa social media(OO DAW KASI DI DAW AKO NAKIKINIG)
Okay i understand,lumuhod ako sa mainit na araw at for the first time ginawa ko grabeng pagmamakaawa ko sa kanya.(Please daddy can we fix ba)hindi na hindi na sagot nya.
Then nagtry ako mag forgot password sa account nya naka gmail saakin doon ko nakita nanginig ako nagpanic sabay hugot ng tubig sa ref saka ko binuksan ulit baka nagkamali lang ako😭nababasa ko(MAHAL PARIN KITA)umiyak ako sabi ko nakipag balikan sya sa ex???pero di pala matagal na silang M.U💔hindi nya ex talagang baka matagal na sila m.u.
tapos naisip nyang ikakasal kaya pinutol tapos nag on ulit nahuhulog mga loob nila dahil sa ML GAMINGS😭
Girl,ingatan mo po siya MARILOU CAPARIDA MAY ASAWA AT ANAK NASA 7”11 ang asawa mo nagwork salamat sa info💔sobrang saktan ako kasi kahit alam mong ikakasal kami pinatulan mo😭
Rouel Santos Discaya daddy kaligayahan ko ang kaligayahan mo❤️durog na durog ako pero hinangad ko parin yong lagi kang masaya di kasi ako perfect lagi akong may pgkukulang❤️"
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment