Likas talaga nating mga tao na kapag meron tayong mga bagay na napaka importante sa atin o sabihin man nating mga mamahaling bagay, maselan tayo sa pag-aalaga nito at hindi natin gusto na may iba mang humawak o gumamit man nito.
Naniniwala tayong ang isang mamahaling bagay ay hindi dapat balewala lang. Dapat natin itong bigyan ng halaga.
Ngunit hindi rin maiiwasan ang galit ng isang tao. Likas na rin sa ating mga tao na magalit. Hindi mo maiiwasan na meron talagang mga simple arguments na makakapag sinndi ng iyong galit.
Sa mag-asawa, natural lang talaga na may mga pagkakataon na hindi nila naiintindihan ang isa't isa. Kaya nagdudulot ito ng tampuhan at pagkapikon.
Kagaya na lamang sa isang aktres na minsang ibinahagi ang kanyang pagkapikon sa kanyang asawa at dulot nito ay naibato niya ang mamahaling relo ng kanyang asawa sa pader at nabasag ito.
"Kasi may ganoong factor ako eh, 'pag gigil na gigil ako kailangan ko siyang i-release. So rather than matamaan ka sa akin, kung ano na lang 'yung nakita ko..." paliwanag ng aktres.
Kwento ni Maui Taylor sa kanyang guesting sa programang "Mars Pa More," doon niya ibinahagi ang naging away nila ng kanyang asawa na hindi niya napigilang basagin ang mamahaling bagay ng kanyang asawa.
Sa halip na saktan niya ang kanyang asawa, ipinalabas na lang niya ang kanyang galit sa pamamagitan ng pagbato ng mamahaling relo sa pader para lang lumabas ang kanyang galit.
Dagdag pa ni Maui, may tebdency talaga na manggigil siya at natakot siyang baka masaktan pa niya ang kanyang asawa. Kaya ganun na lamang ang kanyang naisip na paraan upang mapalabas ang kanyang galit.
"Sa sobrang pikon ko, I grabbed his watch, it's a very expensive watch... it's not physical but I threw it sa wall, and then the watch just broke," aniya.
Si Maui Taylor ay isinilang noong June 28, 1983 sa Brighton, England bilang si Maureen Anne Tupaz. Nakilala siya sa mga pelikulang Gamitan (2002), Ang huling birhen sa lupa (2003) at Bugbog sarado na ipinalabas din noong 2003.
Sa isang relasyon, lalong lalo na sa mga mag-asawa, natural lang talaga na magkaroon ng miscommunication o mga maliliit na tampuhan ngunit nararapat lang na ang ganitong mga klase ng bagay ay dinadaan sa mapayapang usapan.
Walang mga pag-aaway ang hindi masosolusyonan kapag idinadaan sa simpleng usapan. Ang buhay mag- asawa ay hindi talaga puro kasiyahan lang. Maraming mga pagsubok ang susubok sa tatag ng inyong relasyon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment