Dahil sa social media, madali na lamang para sa kahit ordinaryong mamamayan ang makapaghatid ng balita o makapagbahagi ng mga kakaibang pangyayari sa publiko. Madalas ay maganda naman ang dulot nito lalo na para sa mga taong nangangailangan ng tulong o sa mga taong nararapat na bigyan ng pagkilala.
Ngunit, minsan ay kung anu-ano na lamang ang ipino-post ng ilan para lamang masabing naging viral ang kanilang post. Gaya na lamang ng isang viral Facebook post na ito tungkol sa isang babaeng nakaupo sa gilid ng kalye na nasiraan umano ng ulo.
“Baka may nakakakilala dito, maayos manamit at maputing babae. Kawawa naman nasiraan na lang ng ulo. Dito po yan sa Jollibee Vito Cruz,” ang ani pa nga sa naturang post.
Lumalabas, hindi pala totoo ang nasa naturang post matapos na pumalag ang naturang babae nang makita niya mismo ang naturang Facebook post. Ang babae sa naturang post ay si Jolina Pastrana Albano na hindi ikinatuwa ang ginawang pagkuha, pagbabahagi ng kanyang larawan, at paggawa ng maling kwento tungkol sa kanya.
Kaya naman, sa isang Facebook post ni Albano ay pinabulaanan niya ang naturang sabi na nasiraan umano siya ng ulo dahil lamang wala siyang suot na face mask at face shield at nakaupo siya sa gilid ng daan. Dito, ipinaliwanag ni Albano ang nangyari na malayong-malayo sa ipinaparatang sa kanya.
“Ako yung babae sa post mo. Fake news alam kong concerned kayo pero hindi po ako iniwan lang…
Tumakbo ako palabas sa unit. Ako nang iwan sa mga kaibigan ko sa tinutuluyan namin. Umupo lang ako saglit sa may Vito Cruz kasi hindi ako pinapasakay sa UV Express pauwi samin dahil wala akong mask at face shield.
“Hindi po ako naliligaw or nasiraan or ano, naghanap pa ako ng face shield at mask para makasakay at makauwi na,” ani pa nga ni Albano.
Agad niya rin pinakusapan ang taong nagbahagi ng post tungkol sa kanya na burahin ito dahil bukod sa mali-mali ang impormasyon na isinaad ng naturang netizen para lamang umano mapansin ng publiko, hindi rin umano ito tumutugon sa mga mensahe niya rito.
Sa isa pang Facebook post, muli ring nilinaw ni Albano na hindi ito nasiraan ng ulo at kawawa gaya nga ng unang isinaad sa viral post tungkol sa kanya. Pinayuhan niya rin ito na huwag basta basta lamang na magbahagi ng post para lamang makakuha ng atensyon. Ani niya pa nga rito,
“Hindi po ako nasiraan ng ulo. Maka-post lang, Kuya? In-edit mo pa post mo at hindi rin po ako iniwan at pinabayaan ng kaibigan ko. Ako po ang umalis at lumayas.
“Mali ka po ng info, Kuya. ‘Wag kang post ng post!”
Samantala, agad naman na umani ng atensyon ang ginawang paglilinaw na ito ni Albano sa naturang fake news tungkol sa kanya. Hindi maiwasan ng marami na matawa na lamang sa ginawa ng naturang netizen kay Albano.
Maliban dito, marami rin ang kumondena sa ginawa ng naturang netizen na basta basta lamang na pagbabahagi ng Facebook post tungkol sa ibang tao kahit na hindi nito alam o hindi ito sigurado sa totoong pangyayari.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment