Sa panahon ngayon, lalong lalo na sa panahon ng pandemya, maraming mga tao ang nawalan ng trabaho at dulot nito, mas naging mahirap sa kanila ang tustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Ilan sa mga tao na kabilang sa mga grupo na mga taong jobless. Dulot na rin ng pahirap na pahirap na paghahanap ng trabaho, mas naging malala ang sitwasyong hinaharap ng karamihan sa ating mga mamamayan ngayon.
Kaya nga lang, hindi na katakataka na marami sa ating mga kababayan ang naipit sa desisyon na kakasa ba sa paggawa ng mga masasama para lang makakuha ng pera pantustos sa pangangailangan ng mga tao.
Kagaya na lamang ng pangyayari na ito sa Brgy. 248 sa Manila kung saan aktong nakuhanan ang pagsipa ng isang lalaki sa tumatakbong magnanakaw.
Trending na trending ang lalaki na nagngangalang Victor dela Cruz matapos mag ala 'Jackie Chan' sa pagsipa sa isang kawatan.
Aktong nakuhanan ng CCTV ang pagtakas at pagktakbo sana ng magnanakaw nang nakita ito ni Victor at sinipa ito nang sinipa na kitang kita ng mga tao na nag ala 'Jackie Chan.'
Kitang kita rin sa CCTV ang pagharang ng dalawang lalaki para hindi makatakas ang kawatan at tuluyang mahuli ng mga awtoridad.
Dahil sa lakas ng sipa ng lalaki na nag ala 'Jackie Chan,' natumba ang kawatan at dahil nito hindi na nahirapan pang hulihin ang kawatan ng mga awtoridad at tuluyang dinala na ito sa kulungan.
Ayon sa ulat ng GMA News, mismong ang kanilang Barangay Chairman ang nagdesisyon na ibahagi ang nakuhang CCTv footage dahil na rin sa paghanga niya sa mala-Karate Kid na pagsipa ni Dela Cruz.
Pinasalamatan niya si Dela Cruz ngunit nagbigay din siya ng paalala na mag doble ingat ang mga tao kung sakaling maisipang pumapagitna katulad ng ganung mga pangyayari na kahit ang intensyon pa ay tumulong.
Paalala rin niya ang mga posibleng kapahamakan ang idudulot nito kaya mas mabuti na ang mga awtoridad pa rin ang bahala sa mga ito dahil mas may alam sila sa mga posibleng mangyari na kapahamakan.
Sa panahon ngayon, dapat talaga na mag-ingat sa mga tao na nakakasalamuha o nakikita sa inyong paligid. Hindi natin alam ang bawat intensyon ng isang tao.
Nakakalungkot nga lang dahil sa panahon ngayon, mas lumaganap pa ang pagnanakaw, mga krimen sa halip na magtutulungan ang bawat isa para sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment