Sa panahon na nauso na ang teknolohiya, marami sa ating mga kabataan ang nalulong sa mga mobile games gaya ng mga Mobile Legends at iba pang mga laro na na usong uso ngayon.
Sa paghawak at paggamit ng mga gadgets, kinakailangan ang moderate na paggamit at dapat ilagay sa tamang panahon ang paglalaro na kung hindi ay maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa kalusugan.
Kagaya na lamang ng nag viral ngayon na post ng isang netizen na labis ang paghihinagpis nang dahil sa sobrang paglalaro sa mobile legends ay nanghihina ang katawan at tuluyan nang nawalan ng buhay.
Ayon sa post ng kanyang kapatid, nagpupuyat daw ito sa paglalaro ng Mobile Legends at siguradong tutok na tutok talaga ang kanyang kapatid sa paglalaro ng Mobile Legends.
At hanggang sa nagpatuloy ang ganitong klaseng routine, nagulat na lamang ang kanyang kapatid at ang kanyang pamilya na hindi na raw ito makagalaw at makatayo.
Dagdag pa niya, pagkatapos sa sobrang paglalaro, saka naligo ang kanyang kapatid.
Dahil sa pangyayaring ito, agad nilanh dinala sa ospital ang kanyang kapatid at nakita umano niya ang resulta na nag negatibo umano ito sa COVID-19.
Nawalan pa raw ito nv katinuan. Nawala sa katinuan si 'Trunks' na hinahanap umano ang marami niyang pera.
Sinabi ni Cami na sinubukan nila itong ipakausap sa mga kaibigan ni 'Trunks' at nagbabakasakali silang mabalik ang katinuan ng kanyang kapatid.
At nitong Hulyo 27 lamang ay tuluyan nang nanghihina ang kanyang kapatid at hanggang sa nalagutan ng hininga. Namaalam na ang kanyang kapatid.
"Hanggat nagpaalam na siya samin lumuha pa nga siya at pilit na lumalaban kaso ayaw na ng katawan niya. Masakit pero kakayanin namin kaysa makita namin siya araw-araw,minu-minutong nahihirap sa kalagayan niya," pahayag ni Cami sa kanyang post.
Sinabi ni Cami Rosario na kapatid ng pumanaw dahil sa Mobile Legends ay nawa'y magsilbi ito ng aral sa lahat ng mga kabataan.
Ang paglalaro ng Mobile Legends ay hindi kailanman naging masama, nagiging masama lang ito kapag ang paglalaro ay nasobra at wala na talaga sa tamang oras at panahon ang paglalaro.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment