Wednesday, July 28, 2021

Maria Hofs, Hindi Makipag Settle kay Marjorie at Hindi Uurungan ang Pagsampa ng Kaso; Mga Netizens na Nag Share ng Video, Sasampahan rin Niya ng Kaso!


Kamakailan lang ay nag trending ang live video ng isang seller sa Cebu matapos kinompronta ang kanyang customer na ayaw umanong magbayad ng buo sa inorder nitong food package dahil sabi ng kanyang customer hindi worth it ang food package na nagkakahalaga ng Php 18,000. 

Sa video, kitang kita na pilit hinahabaan ni Marjorie A. Alison ang kanyang pasensya habang hinihintay niya ang kanyang customer na si Maria Hofs sa mismong bahay nito. Dahil dito, galit na galit ang may-ari ng bahay nang sinugod siya mismo ng seller ng food package na kanyang inorder.

Ayon kay Marjorie, binayaran lamang umano siya ni Maria Hofs ng Php 9,000 kahit na ang kabuuang presyo ng kanyang inorder na food package ay nagkakahalaga ng  Php 18,000. Dito na nagsimula ang alitan ng dalawa nang iginiit ni Maria na masyado raw malaki ang presyo para sa naturang lechon package at reklamo pa niya na walang refill ang mga inorder na pagkain.

Agad naman nilinaw ni Marjorie na talagang walang refill ang mga pagkain dahil hindi naman umano catering service ang kanilang negosyo kundi food package. Sinabi pa niya na una pa lang, alam na ng kanyang customer ang patakaran nito. Kaya hindi lubos maintindihan ni Marjorie kung bakit Php 9,000 lang ang ibinayad sa lechon at sa iba pang putahe na kasali sa food package.

Ibinahagi rin ni Marjorie na maliban sa malaking lechon ay mayroon pa itong kasama na walong putahe at dalawang klase ng prutas. Kung tutuusin, ipina customize pa nga ng kanyang customer ang inorder nitong mga ulam.

Nitong araw lang ay nakapanayam ng GMA Balitang Bisdak ang nasabing customer umano ni Marjorie Alison na si Maria Hofs. Dito, sinabi ni Maria na naumay na daw siya sa mga pambabatikos ng mga tao sa kanya ni hindi man lang alam ang katotohanan at buong kwento ng naturang isyu. 


Ayon kay Maria, labis na naapektuhan umano ang kanyang pamilya dahil sa nangyaring viral na isyu. 

“Yes, my family is very devastated. All my relatives abroad and here, they’re very tired and they feel...Ah of course, naulawan og maayo. Syempre, kay nakita na sa social media...ug sa kuan noh tibuok kalibutan,” pahiwatig ni Maria.

Tinanong ng isa sa mga reporter ng GMA Balitang Bisdak kung anong klase ng attack ang naranasan ng kanyang pamilya ukol sa nangyaring isyu. “Of course, cyberbullying,” sagot ni Maria.

Dagdag pa niya, binaboy pa umano ang kanyang ina at binastos pa umano nito ang kanyang pamilya pati na rin ang mga bisita ni Maria at mga kaibigan nito. 

“It was my son’s birthday which is amo na siyang gi celebrate nga kanang gamay ra nga simple lang na celebration kay pandemic...tungod pandemic ta..So, kani nga celebration, espesyal jud ni nga celebration namo,” sabi ni Maria.

[Birthday iyon ng aking anak at nagkaroon kami ng simple at maliit na selebrasyon dahil pandemic. Dahil nasa pandemic tayo...So, ang selebrasyon na ito ay espesyal talaga para sa amin.]

Espesyal daw ang selebrasyon na iyon sa kanila dahil bukod sa birthday ng kanyang anak ay iyon lang ulit sila nagkita-kita ng kanyang pamilya sa loob ng 20 taon.

Ang nangyaring pagsugod umano ng food seller na si Marjorie ay hindi inexpect ni Maria na mangyari. Ang lungkot lang daw isipin na sa kalagitnaan ng kanilang selebrasyon ay may pangyayari na makakasira sa kanilang happy moments. 

Binigyang linaw ni Maria kung bakit Php 9,000 lang ang kanyang binayad, Sabi niya, 50-60 persons ang pakakainin niya sa food package na iyon at noong nakita niya ang food package, hindi siya naniniwala na sa kanya ang order na iyon.

Ayon sa kanya, hindi raw magkakasya ang food package na bitbit ng nag deliver nito kaya naisipan na lamang niyang sabihan ang driver na gusto niyang kausapin ang may-ari o seller ng food package na kanyang inorder. 


Inamin ni Maria na hindi siya satisfied sa pagkain mula sa food package na kanyang inorder.

Sinabi ni Maria na nag down na siya umano ng Php 9,000 at yun ang kanilang napagkasunduan na mag fu-fully pay na siya kapag darating na ang kanyang order. Dagdag pa niya, hindi raw siya bobo para gawing tabla na lang o mauuwi na lang sa wala ang nasabing remaining balance. 

“Kung tablahon ko na, pareho ra na sa nangawat ko. Mapriso ko,” aniya.

Sinabi naman ni Maria na handa siyang bayaran ang nasabing remaining balance kapag maayos na umano ang lahat dahil naniniwala siya sa kanyang “customer’s right.”

Handa raw si Maria na harapin ang isyu kahit umabot pa sa korte para lang maayos na ang nag trending na isyu. 

Marami naman ang patuloy na binabatikos si Maria Hofs dahil umano sa kanyang ginawang hindi pagbayad ng full sa kanyang inorder na food package. 

@grace suico: Lechon dako kaayo, worth 8k

Pagluto pa patong kag 2k=10k

Escabeche butang nato 2 ka isda, worth 800 nalang, +pagluto+lamas pa

Plus nagpa customised pakag sud an

Kung 6 kabuok ang sudan

Gamay ra jud kaayo iyang ginansya

Kaluoy pud

Tablahon lang sa away

@joseph philip sacramento:"costumers right" you have the right to complain or return the item and be refunded" but the item should be intact as it is received from the seller.

"unsatisfied client" is not applicable in this case kasi item purchase po siya, the specification was given and approve by you as the client" kaya nagka close transaction, so meaning kung wala mo nagka sinabot in the first place wala unta nimo gipalit iyang baligya,

"i will sue everyone who share the video" yes you can do that of course it is your right, but filing a case against 100s of thousand of individuals will cost you more than 9000 philippine pesos, and it litterally means you need to terminate the accounts of those individual 1by1, google company won't do that for free.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment