Matapos ang napakainit na isyu tungkol sa nag viral na isang live video ng isang seller ng food package na hindi umano binayaran ng kanyang customer ng buo dahil hindi ito worth it sa presyong nagkakahalaga ng Php 18,000, kalalabas lang ng balita na nagkapatawaran na ang food seller na si Marjorie Alison at ang customer nito na si Maria Hofs.
Ayon kay Chapo Ramirez, anak ng nasabing barangay captain sa Santo Niño, tuluyan ng nagkaayos ang dalawa sa pangalawang pagpunta nila sa barangay hall para isaayos ang nasabing gulo na kamakailan lang ay naging isa sa pinakamainit na isyu sa social media.
Ang isyung ito ay mabilis na nag viral noong nagsimulang kumalat ang naturang live video ng mismong seller. Nang makita ito ng mga tao, agad na nagbigay ng mga komento ang ilan batay sa kung ano ang kanilang nakita sa video.
Marami rin ang bumabatikos kay Maria Hofs dahil sa pagsigaw nito sa mismong seller at tila nag-aasta na wala talagang plano na magbayad ng buo sa inorder niyang food package na nagkakahalaga umano ng Php 18,000.
Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ginawang instant tourist spot ang bahay ni Maria na sa tuwing madadaanan nila ang bahay nito, hihinto muna sila para lang makapag picture o makunan ang litrato ang bahay ni Maria.
Sa Facebook, marami na ring mga kumakalat na videos ang naglalabasan na panay ang pakikipag selfie at groufie ng mga tao kay Maria. Ika ng iba, tila naging instant artista si Maria Hofs dito sa Cebu dahil sa nangyari.
Nang nalaman na ng mga tao na nagkabati na ang dalawa, sobrang natuwa ang marami at nagpahayag agad ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa nangyari.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
“Lesson learn nani nimo Maria ha, dili manghinambog labi na ug pobre imong yatakan sa katungod. Ikaw pud Marjorie, ayaw na ug salig kaayo, before drop all food package order, collect sa daan ang payments pra dili na mausab ang Experienced nimo kay chicken cordon bleu.
Fact: Maski unsa ka dautan sa Tao makabalo diay gihapon sya moyukbo sa iyang pride/kaugalingon. At least na-settled na ug pareho ng gawasnon....”
“Ending na Jud . ana man jud na naay kanya2 na mga batasan ang tao . mao na ang giingun tao rata masayop .. Salute to maam MARJORIE kay grabi ka ka maayung tao gyud kay makapasaylo man sa iyang isig ka tao .. God Blessed both”
Tao raman ta👍 na andam mo dawat ug pasaylo sa mga taong andam mo angkon pud sa ilahang mga sayop👍 mao ng Godbless🙏 sa ilahang duha kai biskin sa mga naagean na mga sakit na storya, pang daut sa mga uban ani ana👍pero mas nagpatigbabaw gehapon ang panag egsuonay🙏oh pagsinabtanay👍
#Godbless❤🙏
Matatandaang sa video, kitang kita na nanghingi umano si Maria ng refill dahil hindi kasya ang food package para sa 50-60 persons. Agad naman nilinaw ni Marjorie na talagang walang refill ang mga pagkain dahil hindi naman umano catering service ang kanilang negosyo kundi food package. Sinabi pa niya na una pa lang, alam na ng kanyang customer ang patakaran nito. Kaya hindi lubos maintindihan ni Marjorie kung bakit Php 9,000 lang ang ibinayad sa lechon at sa iba pang putahe na kasali sa food package.
Ibinahagi rin ni Marjorie na maliban sa malaking lechon ay mayroon pa itong kasama na walong putahe at dalawang klase ng prutas. Kung tutuusin, ipina customize pa nga ng kanyang customer ang inorder nitong mga ulam.
Nakapanayam din ng GMA Balitang Bisdak kamakailan ang nasabing customer umano ni Marjorie Alison na si Maria Hofs. Dito, sinabi ni Maria na naumay na daw siya sa mga pambabatikos ng mga tao sa kanya ni hindi man lang alam ang katotohanan at buong kwento ng naturang isyu.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment