Wednesday, August 4, 2021

Nas Daily, Binabatikos Matapos Umanong Gamitin ang Pangalan ni Apo Whang-Od


“WARNING!!! Whang Od Academy is a scam.”

Ito ang babalang ibinunyag kamakailan lang ng apo ni Apo Whang-od, ang kilalang 104 taong gulang na huling ‘mambabatok’ sa Kalinga, tungkol sa ilalabas umanong online course ng kilalang vlogger na si Nas Daily.

Ayon kay Grace Palicas, hindi umano pumirma ng anumang kontrata si Apo Whang-od sa Nas Daily para sa naturang online course na inio-offer nito sa publiko sa halagang Php750. Hindi lamang isang kilalang vlogger si Nas Daily dahil kilala rin ito sa kanyang Nas Academy. 

Ang tinutukoy naman ni Grace sa kanyang babala ay ang isa sa mga pinakabagong online courses ni Nuseir Yassin, o mas kilala nga bilang Nas Daily, kung saan kasali ang isa umanong online course na ituturo ang ‘ancient art of tattoing’ kasama si Apo Whang-od.

Nais ni Grace na matigil ito dahil hindi umano sumang-ayon dito si Apo Whang-od at mayroon umanong mga tao na ginagamit lamang ang kanilang kultura. Ani pa nga nito,

“My grandmother did not sign any contract with [Nas Daily] to do any academy. Some people are taking advantage of our culture. PLEASE HELP US STOP this disrespect to the legacy of Apo Whang-od and the Butbot Tribe.”

Si Grace ay isa ring tattoo artist. Upang maprotektahan ang kanilang tradisyon ay maaari lamang umano na maipasa o maituro ni Apo Whang-od ang pagiging ‘mambabatok’ sa kanyang pamilya.


Mabilis naman na umani ng iba’t-ibang reaksyon at komento ang rebelasyong ito ni Grace na talaga namang ikinagulat at ikinadismaya ng marami. Dahil dito kaya agad din na tinanggal umano sa Nas Academy ang naturang online course at hindi na ito ngayon nakikita sa website.

Samantala, muli pang nilinaw ni Grace ang kanyang pahayag sa isang post kung saan, ibinahagi nito na kinausap nito si Apo Whang-od at dito nito nalaman na hindi talaga ito makakasama sa naturang course.

Mayroon ding inihayag si Grace tungkol naman umano sa mga taong kinausap ng grupo na binigyan nila ng pera at nagkaroon ng kasunduan. Ngunit, walang kinalaman sa lahat ng ito si Apo Whang-od. Idiniin dito ni Grace na hindi totoo ang Whang Od Academy. 

“Hello everyone. Whang Od Academy is not real. I spoke to her and she said she did not understand what the translators were saying. Am sorry to tell you whe wil not be joining the Nas Daily… 

“I know you have good intentions of sharing our culture to the next generation. However, our village's concern is that some people are profiting and expointing [sic] our art and culture. I know you spoke to someone and gave some money and will share profits, but Apo Whang Od is not aware of your contract. 


“Hope you sort this out. Thank you, have a nice day,” saad pa ulit ni Grace.

Ngunit, burado na umano ngayon ang ikalawang post na ito ni Grace. 

Dahil naman dito kaya umani ng mga pambabatikos si Nas Daily mula sa mga Pilipino na hindi nagustuhan at dismayado sa  ginawang animo’y panloloko o pangsa-scam ng kilalang vlogger. Dahil din dito kaya mayroong ilang mga kwentong lumabas tungkol sa tunay na ugali umano ni Nas Daily. 

Source: dailybncnews


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment